Mariel Padilla natupad ang pangarap na maging live seller, nagbabala sa mga scammer | Bandera

Mariel Padilla natupad ang pangarap na maging live seller, nagbabala sa mga scammer

Therese Arceo |March 16,2022
facebook
share this

Mariel Padilla natupad ang pangarap na maging live seller, nagbabala sa mga scammer

Therese Arceo - March 16, 2022 - 07:59 PM

Mariel Padilla natupad ang pangarap na maging live seller, nagbabala sa mga scammer

ISA sa mga pangarap ng TV host-vlogger na si Mariel Rodriguez ay ang maging online live seller.

Kaya naman labis ang saya niya nang tuluyan na niyang matupad ang pangarap nang mag-online selling siya kahapon sa Instagram at Facebook mula 9PM hanggang 12:30AM.

Ilan sa mga binenta ni Mariel ay ang mga preloved items ng kanyang mga anak pati na rin ang ilan sa kanyang mga luxury bags at shoes. May mga limited edition pie es pa nga kaya talaga namang bongga!

Libo-libo ang nanuod at naging customer niya dahil halos pamigay at bagsak presyo na ang mga items na ibinebenta niya.

Bukod pagbibigay ng 90% off ay nag-offer rin si Mariel ng free shipping nationwide sa kanyang mga buyers.

Aliw na aliw rin ang mga mamimili dahil may pa-give away rin siya na mga chocolates o kaya naman noodles.

Sa kasagsagan ng kanyang pagla-live selling ay kitang-kita naman ang suporta ng kanyang asawang si Robin Padilla na aliw na aliw rin sa pagko-comment sa live niya sa Facebook.

“Babe, gastos pala sa kampanya ang solusyon para lumuwag ang dressing room mo,” saad ni Robin.

Di pa rin makapaniwala si Robin na nagbabawas ng gamit si Mariel dahil alam niya kung gaano kamahal ng asawa ang mga ito.

Dagdag pa niya, “Babe hindi ako makapaniwala na ginagawa mo ito ngayon. Nakakiadro ang mga gamit mo na yan. Mas nahihax mo pa nga sa anin ang mga bag at sapatos mo.”

Sa kabila ng pagod ay sulit naman ang kanyang live lalo na at libo libo rin ang mga viewers na tumutok sa kanyang kauna-unahang live selling.

“Mahirap pala maging online seller, kakapaos ” pagbabahagi ni Mariel.

Super appreciated naman niya ang mga taong sumuporta at bumili ng kanyang mga preloved items. Humingi rin siya ng paumanhin sa mga tao dahil sa sobrang daming comment ay nahihirapan siyang basahin ang mga ito.

“Thank you soooooooooo much!!!! Big big big big thanks to everyone who participated in last night’s live selling!!! So happy because nagustuhan niyo ang bagsak presyo items from my hoarding days. thank you!!!! Apologies because it was so hard for me because ang daming comments I couldn’t read all. Hopefully i can find more items here hahaha and we will have a part 2 because i know may maibubuga pa ako. in the meantime i ask for your patience because my team is currently answering all your messages. Pls bear with us!!! Suuuuuuuuper thanks!!!” sey ni Mariel.

Pero wala pang isang araw makalipas ang kanyang live selling ay naglipana agad ang mga masasamang loob dahil isang scammer agad ang umaksyon para manamantala.

“To all my precious miners from last night’s live selling, PLEASE REFRAIN FROM SENDING PAYMENT to anyone who contacts you that isn’t from Viber or WhatsApp from the number: 09385060000,” saad ni Mariel sa kanyang IG post mung saan ipinakita niya ang screenshot ng nagpapanggap na may IG username na @marielpadillaitems.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, “All out transactions are done ONLY thru the number above, so please disregars any message that claims to be part of the live selling team as it is most likely a fraudelent scheme. Love you guts! Be vigilant!”

Related Chika:
Mariel isang buwang sinara ang steak business para kay Robin
Mariel Rodriguez masaya pa rin ba bilang asawa ni Robin Padilla?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending