Carla Abellana kakasuhan ang brand na gumagamit sa kanya: This is false advertisement!
HINDI na nakapagpigil ang Kapuso star na si Carla Abellana sa isang brand na patuloy na gumagamit sa kanyang mga larawan at pangalan para iendorso ang kanilang mga produkto.
Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya ang screenshot ng advertisement ng isang produktong pampapayat na nagsasabing ginagamit niya kaya siya sumeksi.
“Hello everyone! Please be advised that I do not, never did and never will use this brand and these products with ads circulating all over social media, particularly on FB,” saad ni Carla.
Aniya, kahit kailan raw ay hindi niya gagamitin ang nasabing brand at ang mga produkto nito.
View this post on Instagram
Lahad pa ni Carla, hindi raw totoo ang ina-advertise nito at binalaan ang publiko ukol dito.
Sinubukan rin daw ng aktres na mag-reach out sa naturang page owner para i-delete ang naturang ad pero hindi daw siya nito pinansin.
“This is false advertisement and the page owner has ignored my personal request to remove the ad. I can now proceed to take legal action against them,” dagdag pa ni Carla.
Matatandaang inamin ng aktres na nagkaroon siya ng sakit na hypothyroidism na naging sanhi ng pagbigat at pagdagdag ng kanyang timbang noong 2019.
Matapos niyang i-share ang kanyang sakit ay madalas na niyang ibahagi sa kanyang Instagram accoubt ang mga paraan na ginagawa niya para makapagpabawas ng weight gaya na lamang ng pagwo-workout at meditation.
Related Chika:
Carla walang suot na wedding ring sa bagong vlog; ibinandera ang ‘heart’ tattoo
Ogie Diaz nag-sorry kay Carla Abellana: Pasensya na, nagkamali kami
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.