Carla walang suot na wedding ring sa bagong vlog; ibinandera ang 'heart' tattoo Bandera

Carla walang suot na wedding ring sa bagong vlog; ibinandera ang ‘heart’ tattoo

Ervin Santiago |February 07,2022
share this

Carla walang suot na wedding ring sa bagong vlog; ibinandera ang ‘heart’ tattoo

Ervin Santiago - February 07, 2022 - 06:14 PM

Carla Abellana at Tom Rodriguez

MARAMING fans pa rin ang nagpaka-hopia (hoping, umasa) na makikita nila si Tom Rodriguez sa bagong vlog ng Kapuso actress at TV host na si Carla Abellana.

Ngunit nabigo nga ang mga tagasuporta ng mag-asawa dahil natapos at natapos ang video ay ni anino ng Kapuso actor ay hindi nasilayan ng mga nakapanood nito.

Nagbigay ng updates si Carla sa kanyang latest vlog tungkol sa mga bagong kaganapan sa kanyang buhay. Nasa bahay daw siya ng kanyang mommy para sa birthday celebration ng pamangkin niya.

Sa isang bahagi ng video, ipinakita rin ng aktres ang kanyang pagpapa-tattoo — ito’y isang maliit na puso na matatagpuan sa likuran ng kanyang tenga.

“I didn’t feel anything, no pain, whatsoever. It was so comfortable. Ang gaan ng kamay nu’ng tattoo artist,” ang pahayag ni Carla tungkol sa naging experience niya sa pagpapa-tattoo. 

Sa comments section, maraming netizens ang nagsabing umaasa pa rin siya na magkakabalikan sina Carla at Tom at patuloy pa rin daw nilang ipagdarasal ito.

Sabi ng ilang fans, sana’y malagpasan ng Kapuso couple kung anuman ang kanilang pinagdaraanan nila ngayon dahil sayang na sayang naman kung sa hiwalayan lang mauuwi ang ilang taon nilang pagmamahalan.


Bukod nga rito, may ilang netizens ang nakapansin na hindi na suot ni Carla ang kanyang wedding ring. Halos lahat daw kasi ng dating vlogs ng aktres ay makikitang suot pa niya ang singsing.

At pati nga sa isang post ni Carla sa Instagram Stories kahapon, Feb. 6, ay wala rin siyang suot na wedding ring. 

Base sa kuwento ni Carla, ginawa niya ang bago niyang YouTube vlog noong third week ng January na siya ring panahon nang magsimulang kumalat ang chika na naghiwalay na ang mag-asawa.

Ikinasal ang Kapuso couple noong  Oct. 23, 2021 sa San Juan Nepomuceno Parish, San Juan, Batangas habang ang bonggang reception at wedding party ay ginanap sa El Jardin de Zaida.

Samantala, agaw-pansin naman ang mensahe ng isang fan nina Tom at Carla na nagsabing, “Saka na ako maniniwala na hiwalay na tlaga ang TOMCAR kong i delete na nila mga pictures nila na magkasama at hindi na rin magsusuot ng wedding ring si tom @akosimangtomas, at sila mismo ang magsabi na wala na tlaga sila.

“So, habang nakikita kopa ang mga pictures nila sa mga ig nila umaasa pa rin ako na maayus nila ang tampuhan nila..nagbigayan lng yan sila ng space or cool off muna sandali,” aniya pa.

Tom gusto sana ng 6 na anak, Carla umapela: Pwede siguro hanggang 2 kasi…

Carla Abellana, Tom Rodriguez ikinasal na!

Bakit hindi suot ni Chito ang wedding ring niya, para maka-chicks pa?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending