Magdyowang online seller namigay ng '24-karat gold bar' bilang souvenir sa kasal, P15k ang halaga kada piraso? | Bandera

Magdyowang online seller namigay ng ’24-karat gold bar’ bilang souvenir sa kasal, P15k ang halaga kada piraso?

Ervin Santiago - February 21, 2023 - 09:40 AM

Magdyowang online seller namigay ng '24-karat gold bar' bilang souvenir sa kasal, totoo kayang P15k ang halaga kada piraso?

Aerial Estacio at Emerson Tolentino

“BONGGA! Sana All!” Yan ang nasambit ng mga netizens nang bumandera sa social media ang nakakalokang souvenir ng isang couple na bagong kasal.

Viral na ngayon ang naganap na wedding nitong nagdaang weekend nina Emerson Tolentino at Aeriel Estacio na taga-Taytay, Rizal dahil sa mga gold bars na ipinamigay nila sa kanilang mga bisita.

Ginanap ang kanilang kasal sa Aquila Crystal Palace sa Tagaytay nito lang nagdaang Linggo, February 19.

Balitang 100 24-karat gold bars ang ipinamahagi ng bagong kasal bilang souvenir – ito’y may habang four-inch long at may design ng rabbit bilang Year of the Rabbit nga ngayong 2023.

At knows n’yo ba kung magkano ang halaga ng bawat isang gold bar giveaway ng couple na trending pa rin hanggang ngayon sa socmed? Ayon sa ulat, P15,000 daw ang presyo nito kada piraso.

Ipinamigay nina Emerson at Aeriel ang 20 pieces sa pamamagitan ng online live sa mismong araw ng kanilang wedding habang ang natirang 80 piraso ay ipinamahagi sa mga bisita nila sa venue ng reception.

Kung susumahin, mahigit P1.5 million ang halaga ng 100 gold bar wedding giveaways ngunit ayon sa isang report, hindi naman daw talaga gumastos ng P15,000 ang mag-asawa sa nasabing souvenir.

Napag-alaman din ng BANDERA na online sellers ng gold jewelry sina Aeriel at Emerson. Ito raw ang nagpaganda ng kanilang buhay.

Ryan Bang sa dyowa: Ikaw lang ang isang Filipina na napansin ang halaga ko…

Andi may hugot sa pagtatayo ng sariling negosyo sa Siargao: Symbolic of how far we’ve come…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Poblacion Girl hindi tatantanan ng gobyerno; mga empleyado ng bar sa Makati natigil sa pagtatrabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending