Julie Anne, David, Barbie handa bang ipaglaban ang taong minamahal hanggang kamatayan?
SA nalalapit na pagtatapos na pagtatapos ng hit Kapuso series na “Maria Clara at Ibarra” ay marami na ang nase-sepanx (separation anxiety).
Komento ng isang fan sa GMA Drama Facebook page, “Kung pwede lang, ayoko nang matapos ito kasi ang ganda talaga!Parang bumabalik tayo sa unang panahon. Mula umpisa, gabi-gabi namin itong inaabangan. Ang daming aral na matututunan at pinasaya niyo kami, MCI!”
Sa latest episode ng serye, nakita ng viewers kung paano iniligtas ni Klay (Barbie Forteza) si Juli (Pauline Mendoza) nang magtangka siyang magpakamatay dahil sa pang-aabuso ni Padre Camorra (Don Umali).
View this post on Instagram
Nais ng programa na magbigay-inspirasyon sa mga babaeng rape victim na ipagpatuloy ang kanilang buhay at ipaalam sa kanila na may mga taong handang tumulong sa kanila.
Talaga namang siksik sa moral lessons ang top-rating drama na ito kaya naman wala nang bibitiw sa huling apat na gabi ng “Maria Clara at Ibarra” sa GMA Telebabad after “24 Oras”.
Samantala, nagsama-sama naman ang ilan sa mga bida ng nasabing historical portal fantasy series ng GMA para sa isang online interview ng “All-Out Sundays.”
Sa panayam kina Barbie Forteza, David Licauco at Julie Anne San Jose, pinag-usapan kung ano ang mansahe nila sa milyun-milyong supporters ng kanilang serye at kung ano nga ba ang kaya nilang gawin sa usaping pag-ibig
“Congratulations sa ating lahat. Nakaka-proud lang na natapos natin ‘yung dalawang books. Ang goal natin is mag-iwan ng aral sa mga viewers,” simulang pahayag ni Julie Anne na gumanap bilang Maria Clara.
View this post on Instagram
Ayon naman kay Barbie na gumaganap bilang Klay, “Si Klay gusto niya talagang baguhin ang ending ng dalawang libro at napamahal na sa kaniya lahat ng characters, especially si Fidel.”
Dagdag ni David, “Suportahan n’yo po ang ‘Maria Clara at Ibarra,’ kasi pinaghirapan namin lahat ‘yun, from the directors to the writers, sa mga PA (production assistant), lahat tayo, pinaghirapan namin ito ‘eh. Sana suportahan n’yo pa rin.”
Kung may life lesson daw na natutunan si David sa serye yan ay, “Kung alam n’yo kung ano ‘yung tama, you have to fight for it. Whatever it takes para makuha n’yo ‘yung tama at mangyari ‘yung tama, dapat ‘yun ‘yung gawin niyo.”
Ayon naman kay Julie Anne, “Because of this show natututo tayo maging mas aware sa mga nangyayari sa paligid natin at mahalin ang bayan natin at ipaglaban ‘yung tama.”
At pagdating nga sa usapin ng pag-ibig, sey ni Julie Anne, “Kapag totoong mahal mo ang isang tao o bagay, ipaglalaban mo hanggang mamatay ka.”
Para naman kay David, “Kung true love mo talaga ‘yung tao, lahat kaya mong gawin.”
At sey ni Barbie, “Ako naman, share ko rin. Ang kaya kong gawin para sa love ay siguro piliin siya. Isa ‘yun sa pinakamahirap gawin lalo na when you’re in the middle of something and you have to choose.”
Hirit na tanong naman ni David kay Barbie, “Love or career?” Na mabilis na sinagot ng dalaga ng, “Career, para may pang-date. Okay? Happy?”
Willie Revillame lilisan na sa GMA, ‘Wowowin’ hanggang February 11 na lang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.