Kilalang male celebrity walang kuwentang amo: 'Siya ang dahilan kaya na-stroke ang staff niya' | Bandera

Kilalang male celebrity walang kuwentang amo: ‘Siya ang dahilan kaya na-stroke ang staff niya’

Reggee Bonoan |February 20,2023
facebook
share this

Kilalang male celebrity walang kuwentang amo: ‘Siya ang dahilan kaya na-stroke ang staff niya’

Reggee Bonoan - February 20, 2023 - 01:27 PM

Kilalang male celebrity walang kuwentang amo: 'Siya ang dahilan kaya na-stroke ang staff niya'

Guess, guess who!? Sinetch itetch!?

NAKATANGGAP kami ng text message mula sa taong maraming alam tungkol sa isang male personality na nahaharap ngayon sa kontrobersiya.

Hindi kami makapaniwala sa nangyari sa isang taong ilang dekada niyang nakasama at pinagkatiwalaan.

Hanggang ngayon pala ay may kimkim na galit ang pamilya ng taong pinagkatiwalaan nitong male personality dahil sa ginawa sa kanilang kaanak na kung ituring nito ang una ay halos anak na niya pero iba nga ang ibinalik nito.

May mga utos ang male personality sa pinagkakatiwalaan niya at dahil may edad na kaya siguro minsan ay ipinauulit kung ano iyon pero imbes na pagpasensiyahan ay kabaligtaran nga ang nangyari.

Mensahe ng aming source, “Si ____ (male personality) ang dahilan po kaya na-stroke si ____ (katiwala), pinagsisigawan hanggang hindi na makahinga kaya itinakbo sa hospital.

“Tapos nu’ng kinakailangan ng pambili ng mga gamot hindi po nagbigay. Ibenta na lang daw ang anumang property na mayroon si ___ (katiwala) para may panggastos,” sabi ng aming kausap.

Habang binabasa namin ang mensaheng ito ay galit ang naramdaman namin at inisip namin kung bakit at saan nanggagaling ang ganitong ugali ng male personality?

Dagdag pa ng taong nakasama rin ng male personality sa mahabang pamahon, “Nakakaawa po talaga si ____ (katiwala), maraming nakakaalam ng kuwentong ito kaya hindi ito maitatanggi ni _____ (male personality).”

Nakilala namin ang katiwalang ito ng male personality na matino, mabait at mahinahong magsalita at higit sa lahat, loyal pero walang nangyari sa ginawang pakikisama nito sa pinagsisilbihan niya.

Anyway, wala na ang katiwala at kung nasaan man siya ngayon ay sana’y nasa maayos na siyang kalagayan.

Sikat na male personality noon feeling broke na nga ba matapos umalis sa dating manager?

Kilalang male star sugatan na naman ang puso matapos maghiwalay ng ka-live in

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Direktor awang-awa kay sikat na male celeb dahil binu-bully noon ng insecure na aktor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending