Vice Mayor ng Aparri, 5 iba pa patay sa ambush sa Nueva Vizcaya | Bandera

Vice Mayor ng Aparri, 5 iba pa patay sa ambush sa Nueva Vizcaya

Pauline del Rosario - February 19, 2023 - 04:40 PM

Balita featured image

PATAY ang Vice Mayor ng Aparri, Cagayan na si Rommel Alameda, pati na rin ang limang kasama nito matapos ang pananambang sa Nueva Vizcaya.

Nangyari ang insidente ngayong February 19 kaninang 8:45 a.m. sa bayan ng Bagabag sa Barangay Baretbet.

Base sa police report, pauwi na sana ng Aparri ang bise alkalde habang lulan sa isang van nang biglang pinagbabaril ito ng hindi pa nakikilang mga tao.

Nakasuot daw ng uniporme ng pulis ang mga suspek at nakasakay sa isang government car na may plate number na SFN 713.

Sabi sa ulat sa imbestigasyon, “The killers allegedly barricaded the section of street in front of MV Duque Elementary School in Baretbet.

“When Alameda’s car arrived, they peppered the vehicle with bullets.”

Kahit nasawi na sa pag-atake ang mga biktima ay nagawa pa rin itong isugod sa pinakamalapit na medical center ngunit idineklara rin silang “dead on the spot.”

Samantala, nabalitaang tumakas agad ang mga suspek sa Solano area.

As of this writing ay patuloy pa rin iniimbestigahan ang pangyayari.

Si Alameda ay kasalukuyang nagsisilbi sa kanyang ikatlong termino bilang vice mayor.

Read more:

‘Single mom’ na nag-viral matapos magnakaw ng handa para sa anak, walang katotohanan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lasing na 63-anyos na teacher nanampal, sinunog ng buhay

Prenup photoshoot nina Jason Abalos at Vickie Rushton sa Pantabangan Dam may ipinaglalaban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending