Prenup photoshoot nina Jason Abalos at Vickie Rushton sa Pantabangan Dam may ipinaglalaban | Bandera

Prenup photoshoot nina Jason Abalos at Vickie Rushton sa Pantabangan Dam may ipinaglalaban

Ervin Santiago - August 17, 2022 - 09:39 AM

Vickie Rushton at Jason Abalos

PINUSUAN at nakakuha ng mga positibong komento ang latest prenup pictorial nina Jason Abalos at Vickie Rushton na kinunan sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija.

Ito na ang ikatlong photoshoot ng engaged couple kung saan ginamit nga nila bilang background ang napakagandang tanawin sa Pantabangan Dam.

Naisip ni Jason na doon sila magpa-pictorial ng fiancée niyang beauty queen para makatulong sa turismo ng kanilang lugar kung saan siya nahalal bilang bokal o board member ng ikalawang distrito ng Nueva Ecija.

Naikuwento ng Kapuso actor, sa pamamagitan ng isa niyang social media post ang naging buhay niya at ng pamilya pati na ng kanyang mga kababayan ilang dekada na ang nakararaan.

“Pinili ko ang Pantabangan kung saan ako ipinanganak, para maipagmalaki sa lahat ang ganda nito.

“Pinalubog ang lumang bayan ng Pantabangan para bigyan daan ang pagpapagawa ng Hydroelectric Power Plant noong panahon ni President Marcos.

View this post on Instagram

A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos)


“Kasabay nito ay nawalan ng sakahan na pangunahing kabuhayan ng mga Pantabangeño. Napatubigan ang mga sakahan sa mga kalapit na bayan, at nakapag- supply ng kuryente na makakadagdag sa pangangailangan ng bansa,” pahayag ni Jason.

Aniya, sana raw ay makatulong ang prenup photos nila ni Vickie sa tourism industry ng kanilang probinsya.

“Hanggang sa ngayon, ang tanging maaasahan na ng mga kababayan ko ay ang palakasin ang turismo kaya iniimbitahan ko kayong lahat sa aming bayan.

“Marami ditong water sports na pwede gawin. Malinis ang simoy ng hangin at magaganda ang tanawin tuwing summer at mababa ang level ng tubig ay nagpapakita ang lumang simbahan sa gitna ng tubig,” pahayag pa ng aktor.

Base sa isang artikulo, ang lumang simbahang nabanggit ni Jason ay ang lumubog sa tubig dahil sa pagpapatayo ng Pantabangan Dam noong 1971.

Dahil dito, nagsilikas ang mga tagaroon at namuhay sa “bagong bayan”. Base pa sa ulat, noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic nang muling “magpakita” ang bahagi ng simbahan ng Pantabangan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/287496/hirit-ni-jason-abalos-kay-vickie-rushton-panahon-na-para-bumuo-ng-pamilya
https://bandera.inquirer.net/314940/jason-abalos-vickie-rushton-engaged-na-patugtugin-na-ang-kampana
https://bandera.inquirer.net/286172/vickie-rushton-iniyakan-ang-pagtatapos-ng-pageant-journey-laglag-dahil-sa-edad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending