Coco nagpumilit mag-TNT sa Canada kahit kumikita na noon sa paggawa ng indie movies; handa nang magka-baby anytime | Bandera

Coco nagpumilit mag-TNT sa Canada kahit kumikita na noon sa paggawa ng indie movies; handa nang magka-baby anytime

Ervin Santiago - February 19, 2023 - 08:00 AM

Coco nagpumilit mag-TNT sa Canada kahit kumikita na noon sa paggawa ng indie movies; handa nang magka-baby anytime

Lito Lapid, Lovi Poe at Coco Martin

NAKAKALOKA pala ang ginawa ng Teleserye King na si Coco Martin pagkatapos humakot ng award ang pelikula niyang “Masahista” sa iba’t ibang international film festival.

Knows n’yo ba na noong nagsisimula pa lamang siyang makilala bilang magaling na artista sa mga indie movies ay talagang gustung-gusto pa rin niyang magtrabaho sa ibang bansa?

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Sa katunayan, kahit artista na siya noon ay talagang itinuloy pa rin niya ang balak na mag-TNT (tago nang tago) sa ibang bansa para magtrabaho bilang janitor at housekeeper.

Ibinahagi ni Coco ang tungkol dito sa latest YouTube vlog ng veteran broadcast journalist na si Karen Davila. Sey ng aktor na nagtrabaho siya sa Canada matapos gawin ang gay film na “Masahista” noong 2005.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


“Ilang bansa ang pinuntahan ko na lumaban kami sa mga festival dahil doon sa pelikula. Every time na lalaban kami sa mga festival, actually, kauna-unahang festival na nilabanan namin, nanalo agad kami.

“Doon pa lang nagpapaalam na ako sa producer tsaka sa director ko, kay Brillante Mendoza, na hindi na ako sasama pabalik. Kasi nga, hindi naman talaga pag-aartista ang gusto ko eh. Gusto ko mag-TNT. Gusto ko magtrabaho sa abroad,” pagkumpirma ni Coco.

“Hindi nila ako pinayagan kasi hahanapin ako sa immigration eh. Siyempre matatamaan ‘yung producer. Eh nanalo kami, inuto nila ako.

“Sabi nila, ‘Malay mo, manalo tayo, pag-uwi mo ng Pilipinas maging Piolo Pascual ka.’ Pero imbes na congratulations, ang bungad sa ‘kin intriga eh.

“Napaso na ako, ‘yung puro intriga. Sinisiraan ako. Sabi ko, ‘di ko ata kaya ‘yung mundo ng showbiz. Eh that time, ang dami pa naming festival na sinasalihan,” pagbabalik-tanaw ng premyadong aktor.

Pagpapatuloy niya, “May laban kami sa Vancouver, sabi ko, sama ulit ako ah. Nagpa-visa lang ako. Kasi ayaw nila ako payagan eh. ‘Yun nakuha ko na ‘yung visa ko, sabi ko, ‘Hindi ako makakasama kasi may raket ako, sayang.’

“Hindi nila alam, may kinausap na akong mga kamag-anak ko sa Alberta, Canada. Paglipad nila papuntang Vancouver, lumipad ako, ginamit ko ‘yung visa ko,” pagbabahagi pa ng lead star ng latest Kapamilya series na “Batang Quiapo.”

Kuwento ni Coco, hindi naging madali ang naging buhay niya sa Canada, “Nu’ng nandoon na ako, hindi pala siya parang Amerika na pwede kang mag-TNT. Nakapagtrabaho ako doon, pero may ibang tao na akala nung may-ari, sila ‘yung nagtatrabaho.

“Hindi nila alam ako. Kasi ang trabaho ko nun, 2 a.m. ng madaling araw hanggang 7 a.m. kaya tulog lahat,” lahad pa niya.

Sa tanong ni Karen kun bakit mas pinili niyang magtrabaho bilang janitor sa ibang bansa gayung kumikita na siya bilang artista, “Praktikal po siguro ako. Sabi ko nga, kahit ngayon po, ‘pag tinanong mo ako.

“Kaya po ako ganito kapursigido, talagang sinisipagan ko, kasi alam ko matatapos ‘to. Para pagdumating ‘yung panahon na ‘yun, alam ko ‘yung time ko, binigay ko ‘yung pinaka-best ko.

“Hindi ako nagtamad-tamaran, ‘di ko pinalampas ‘yung pagkakataon. Sabi ko, ang importante sa ‘kin ngayon is makapag-ipon, mai-settle ko nang maayos ‘yung pamilya ko. That’s it,” sey ni Coco.

Dugtong pa niyang sabi, “’Yung popularity, ‘yung pagiging artista, hindi ko inaano ‘yan kasi ang alam ko lang dito, ginagawa ko trabaho lang. Hindi ko siya dinidibdib, ninanamnam. Basta sabi ko magtatrabaho ako, dire-diretso.

“Kaya hindi ako nagpapahinga eh. After ‘Probinsyano’ na 7 years, imbes na magbakasyon ako, nag-shooting ako sa Amerika. Kami ni Jodi (Sta. Maria) ng pelikula namin ng Metro Manila Film Fest. Kasi nanghihinayang ako, ano gagawin ko doon?” paliwanag pa ng aktor.

Samantala, tungkol naman sa matagal nang nababalitang relasyon nila ng Kapamilya leading lady na si Julia Montes, natanong din siya kung sa kasalan na rin ba sila mauuwi. “Dapat,” mabilis niyang sagot.

E, kailan naman niya gustong magkaanak, “Ako naman po anytime. Kasi sabi ko nga, ang sa ‘kin kasi, gusto ko panatilihing pribado ‘yung buhay ko.

“Kasi mahirap po kapag i-all out mo eh. Lahat pakikialaman. ‘Di ba parang sa isang magkasintahan, ‘pag nagliligawan kayo, ‘pag nagde-date pa lang kayo, gusto ng lahat magkatuluyan.

“‘Pag kayo na, ang dami ng opinyon. Hanggang sa magkasira kayo. Bakit ko hahayaan? Eh ito nga lang sa ginagalawan ko, ang gulo gulo na eh. Papapasukin ko pa sila sa personal na buhay ko?” katwiran pa ni Coco.

Toni Fowler sinabihang ipalaglag ang kanyang baby: Iyak ako nang iyak tapos itinakwil nila akong lahat…

Vice umaming pumurol sa pagpapatawa: Ito ‘yung effect sa akin ng ‘pagkakakulong’ ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon sa Hollywood series na ‘Concepcion’: Wala, ganu’n talaga eh, trabaho lang walang personalan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending