Sharon sa Hollywood series na 'Concepcion': Wala, ganu'n talaga eh, trabaho lang walang personalan! | Bandera

Sharon sa Hollywood series na ‘Concepcion’: Wala, ganu’n talaga eh, trabaho lang walang personalan!

Ervin Santiago |February 08,2022
facebook
share this

Sharon sa Hollywood series na ‘Concepcion’: Wala, ganu’n talaga eh, trabaho lang walang personalan!

Ervin Santiago - February 08, 2022 - 11:41 AM

Sharon Cuneta

MUKHANG may bagong pasabog na sorpresa si Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang mga fans and social media followers ngayong 2022.

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang ipinost ng veteran actress-TV host sa kanyang Instagram tungkol sa isang international project na may titulong “Concepcion.”

Hindi diretsahang nabanggit ng misis ni Sen. Kiko Pangilinan kung kasama siya sa cast members ng nasabing Hollywood series pero ngayon pa lang ay super excited na ang mga Sharonians. 

Naaliw naman ang mga supporters ni Mega sa inilagay niyang caption sa kanyang IG page dahil nga sa titulo ng series na “Concepcion”.

Aniya, mukhang may connection talaga sa kanyang past life ang nasabing title na ang tinutukoy nga ay ang apelyido ng ex-husband niyang si Gabby Concepcion.

“Sige magtawa kayo sa title!” ani Mega kasunod ang laughing emoji. Dugtong pa niya, “Eh wala ganon talaga eh. Trabaho lang walang personalan!”

“Just please read the article. Just might be my surprise #1 for all of you! This is Hollywood y’all!” ang chika pa ni Sharon kalakip ang link ng isang post kung saan mababasa ang synopsis ng naturang international project.

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


Balitang ito ay collaboration ng ABS-CBN at ng Filipino-American film producer na si Jeremiah Abraham na pagbibidahan naman ng Filipino-American actor na si Reggie Lee. 

Ang “Concepcion” ay isang US “crime family drama set alternately between 1992 and 2020” na tatalakay sa buhay ng isang Filipino kingpin na nagngangalang Paulo “Lolo Pepe” Concepción at sa kanyang kaanak na Filipino.

‘Ang naging sukatan ng beauty noon ay ang kagandahan ni Sharon Cuneta!’

Pangarap ni KC Concepcion tinupad ng Hollywood actress na si Jessica Parker

Vice umaming pumurol sa pagpapatawa: Ito ‘yung effect sa akin ng ‘pagkakakulong’ ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending