Dasal ni Annabelle Rama dininig ni Lord, operasyon sa mata ni Eddie Gutierrez tagumpay | Bandera

Dasal ni Annabelle Rama dininig ni Lord, operasyon sa mata ni Eddie Gutierrez tagumpay

Ervin Santiago - February 16, 2023 - 03:16 PM

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ni Annabelle Rama at ng kanyang mga anak matapos sumailalim sa eye surgery ang veteran actor na si Eddie Gutierrez.

Matapos ang selebrasyon ng kanyang 81st birthday, kinailangan ngang magtungo ni Tito Eddie sa Asian Eye Institute para tanggalin ang isa sa kanyang katarata.

Sa kanyang Instagram account,  nag-post nga last February 14, Valentine’s Day, si Tita Annabelle tungkol dito, kalakip ang ilang litrato ng kanyang pinakamamahal na asawa.

“I woke up at 3am this morning, took a shower and prayed for Eddie’s successful cataract eye surgery scheduled at 6am today at the world-class Asian Eye Institute (Rockwell branch) with Dr. Robert Edward Ang, the best in his field,” ang simulang pahayag ng talent manager.

Pagpapatuloy pa ng nanay nina Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez, “Cataract is the clouding of the eye’s natural lens which causes foggy vision, difficulty seeing at night and sensitivity to light and glare

“If left untreated, it may lead to irreversible blindness,” dagdag pa ni Tita Annabelle.

At super thankful nga ang matapang at palabang talent manager na dininig ng Diyos ang kanilang mga panalangin na sana’y maging successful ang operation ni Tito Eddie.

“After 4 hours of praying and waiting, Eddie came out of the operating room with a big smile.

“His right eye can see clearly now! We will be back for the left eye.

“It is a Happy Valentine’s Day indeed!” mensahe pa ng wifey ni Tito Eddie.

Sa kanya namang IG story, nagkomento si Ruffa sa eye surgery ng ama kasabay ng pagpapasalamat sa mga nag-opera rito, “One day post cataract surgery, dad is raving how he can see clearly now.”

Nagbahagi rin ng mensahe ang ospital para kina Tita Annabelle at Tito Eddie sa kanilang social media page, “Love is patient, love is kind… and sometimes, love is waking up early and waiting for your beloved to come out of surgery.”

“Annabelle and Eddie showed us this morning that a love that endures is definitely a sight to behold,” sabi pa ng ospital.

Nauna rito, dinenay naman ni Tita Annabelle na nagparetoke siya kaya batambata ngayon ang kanyang itsura.

“Simula ng bata pa ako hanggang ngayon never akong nagpa gawa sa mukha at sa buong katawan ko. What you see is what you get at unang una takot ako sa operation at injection,” sey ng talent manager.

Related chika:

Paano nalaman ni Chynna na si Kean na nga ang kanyang ‘the one’?

Ruffa emosyonal dahil sa health status ng amang si Eddie Gutierrez

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Liza Dino kay Robin Padilla: Congratulations kuya Senator! Sa wakas, maipapasa na ang Eddie Garcia Bill!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending