Paano nalaman ni Chynna na si Kean na nga ang kanyang 'the one'? | Bandera

Paano nalaman ni Chynna na si Kean na nga ang kanyang ‘the one’?

Ervin Santiago |July 02,2021
facebook
share this

Paano nalaman ni Chynna na si Kean na nga ang kanyang ‘the one’?

Ervin Santiago - July 02, 2021 - 08:59 AM

DININIG ng Diyos ang panalangin ng Kapuso actress at TV host na si Chynna Ortaleza na bigyan siya ng tamang tao na makakasama niya habangbuhay.

Of course, sino pa ba ang tinutukoy niya kundi ang kanyang asawang musikero at aktor na si Kean Cipriano na limang taon na niyang katuwang ngayon sa buhay.

Pero alam n’yo ba kung paano nasabi noon ni Chynna na si Kean na nga ang kanyang “the one” at ang nais niyang mapangasawa at maging tatay ng kanyang mga anak?

Sa isang Instagram post ng Kapuso star, makikita ang kanilang family photo at sa caption nga nito ay ibinahagi niya kung paano niya nasabing si Kean na ang lalaking ipinagdarasal niya. 

“First, I did away with whatever I thought was what I deserved. I prayed for no specific physical attributes, no lavish material belongings, no gender or romantic notions. 

“But I told Papa God to help me select the right person who had a good soul, allow me to grow & to please love my family & uphold God as the center of our family. 

“A person who could understand the brilliance of my father and respect and be a friend to my mother,” simulang bahagi ng kuwento ni Chynna.

Hanggang sa dumating na nga sa buhay niya ang bokalista ng bandang Callalily na talagang grabe raw ang pagsuporta sa kanya. 

Sabi ng aktres, “Check 1! Matagal na ‘yan lang ang check kasi hindi ko pa mabasa ang pagkatao at puso. So hinayaan ko muna.

“When we finally figured out that we liked each other enough… he met my Papa in the most awkward way. But he did not back down even if he already wanted to piss his pants.

“He extended a hand & introduced himself properly. The start of many handshakes and conversations that they would have,” ang chika pa ng aktres tungkol sa unang pagkikita ni Kean at ng kanyang tatay.

Pagpapatuloy pa niya, “Then came the test of Mama. Who was not easily disarmed with professions of love. 

“She would go and blast Kean with her signature brand of frankness… and he was not intimidated or scared. He was honest with her & magalang. 

“Nakikipagusap sa kanya ng walang problema. Ang saya! He eventually told me after meeting her that she was beautiful, funny & eventually cried because we both knew something else was happening. A higher force of answered prayers,” lahad pa ni Chynna.

Ayon pa sa celebrity mom, habang tumatagal ang relasyon nila ng singer-actor ay 
nadadagdagan daw ang check marks nito at ng mga katangiang hinahanap ni Chynna sa isang lalaki.

Sey ng aktres, nagpapasalamat siya kay Lord dahil binigyan siya napakabuting asawa at responsableng ama.

“Kaya Thank you Lord for helping me always. I know your promises are real & eternal,” pagtatapos ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagkakilala sina Chynna at Kean sa isang celebrity event sa Boracay taong 2008 at noong 2015 naman nila ibinandera sa publiko ang  kanilang relasyon at nagpakasal noong 2016. Biniyayaan din sila ng dalawang anak, sina Stellar at Salem.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending