Payo ni Richard sa mga mag-asawa para mas mapainit ang pagsasama: ‘Wag kalimutang mag-date, keep it exciting, keep it fun!’
MAY matututunan ang mga magdyowa kay Richard Gutierrez on how to keep love burning kahit matagal nang mag-asawa.
Ang secret kasi nila ng kanyang wife na si Sarah Lahbati para mas tumagal at mas mapamahal pa sila sa isa’t isa ay ang pagde-date kapag may time.
“Kami ni Sarah, I think ‘yung constant communication is very important and ‘yung constant dates makes it exciting lalo na matagal na kayo.
“‘Wag kakalimutan na mag-date pa rin kayo, lumabas pa rin kayo. Keep it exciting, keep it fun,” say ni Richard when we did a set visit sa Cebu location nila for “The Iron Heart”.
Sadly, may taping siya ng kayang action TV series during Valentine kaya naman after na ng Araw ng Mga Puso ang kanilang celebration.
View this post on Instagram
“Sa Valentine’s Day ay magte-taping ako ng The Iron Heart so naka-pause muna ‘yung Valentine celebration namin ni Sarah,” say ng aktor.
Incidentally, nalaman namin, through his action director Lester Pimentel Ong, na bata pa lang pala ay nag-training na si Richard for martial arts.
“I’ve been doing martial arts since bata pa ako. Since six or seven ay nagsimula na akong mag-martials arts.
“Isa ‘yun sa constant sa buhay ko. Na hindi nawawala, like iyon ang consistent training ko. Talagang may passion ako about martial arts. Masaya ako na naipapakita ko iyon dito sa The Iron Heart,” say ng aktor.
“At this point kasi ay napapanood na natin ‘yung mga international TV, international movies, so kahit paano ay gusto nating i-elevate ang action scenes in the Philippines and try to make it as good or as par sa mga international action scenes kasi kaya naman natin.
“Kaya naman ng mga Pilipino na gumawa ng action series with the right people and the right team. And that’s were trying to do here,” dagdag pa niya.
Hindi raw madali ang gumawa ng action scenes, “Kung alam n’yo lang kung ano ang pinagdadaanan namin sa paggawa ng mga action scenes.
“May mga buwis-buhay kami dito. Of course, we have a great team. Nakasanayan na. sanay na ako gumawa ng action from before and from my experiences sa martial arts. Sanay na ako.
“Being guided by a stunt team, importante ‘yun. Importante din na collaborative din ‘yung directors and sa ganoong paraan ay nae-elevate naming ‘yung action dito sa Pilipinas.
“I am very happy and honored na isa kami sa gumagawa noon ngayon,” sey pa ni Richard.
Matteo sa 34th birthday ni Sarah: Proud husband here! Keep that fire burning!
Sylvia super proud pa rin kahit hindi nagwagi sa Asian Academy for Creative Arts 2021
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.