Hirit ni Maggie Wilson matapos tawaging ‘fugitive’ ng nakahiwalay na asawa: ‘I’m permanent and you can’t erase me’
PAANO raw matatawag na fugitive ang isang tao kapag active ito sa social media, aktibong sinasagot ang mga isyung ibinabato sa kanya at inaasikaso ang mga negosyo sa ibang bansa.
Ito kasi ang paglalarawan ni Victor Consunji, Jr., ang estranged husband ni Margaret Wilson Consunji na tinawag niyang “fugitive.”
Parte ng official statement ni Victor na ipinadala sa Pep ng kaibigan niya tungkol sa legal battle nila ng estranged wife niyang si Maggie.
“She is currently a fugitive, unwilling to face judgement, fleeing as an admission of her own guilt. Her relatives, who occupy my property, are in violation of my lease contract,” ayon kay Victor.
May nabanggit din sa official statement na ipatutupad ni Victor ang prenup agreement nila ni Maggie na kaagad namang itinanggi ng huli kasabay ng paglalabas ng dokumentong nakuha niya sa Office of the local Civil Registrar.
Nakasaad dito ang, “no record of any PRE-NUPTIAL AGREEMENT” sa Office of Municipal Civil Registrar, Bacacay. Nakuha ang dokumento noong Pebrero 2022 for legal purposes.
Nang ilabas ni Maggie ang dokumentong nagsasaad na wala silang prenup ni Victor ay wala pang sagot dito ang Founder at CEO ng Victor Consunji Development Corporation.
At dahil nabanggit na fugitive si Maggie ay may nag-react dito, “Ang pagkakaalam ko sa fugitive nagtatago at hindi mahanap.
“E, ang daming nakakakita kay Maggie sa ibang bansa, aktibo siya sa social media, marami siyang kuwento, maraming post tungkol sa mga activities niya,” komento ng kaibigan nina Maggie at Victor.
Samantala, malaman ang latest post ni Maggie pagkatapos niyang ilabas na wala silang prenup agreement ni Victor.
Nag-post siya ng larawan niyang seryoso habang nasa Indonesia na may caption na, “Someone once told me that if you didn’t like something, erase it.
Well, I’m permanent and you can’t erase me.”
“Gorgeous,” ang komento ng aktres na si Carla Abellana.
Sabi ng netizen na si @hana_joan, “The real MRS. CONSUJI Period! Nasa kanya ang talong, pero ang puso asayo pa din hindi ganon kaagad mawawala un baligtarin mo man ang earth other woman pa din sya sorry.”
Payo naman ni @mrdantic, “When the other woman is pregnant, you can already make demands, 3/4 of his assets and you will sign the divorce papers, you go Mrs Billionairre Consunji and make sure you remain healthy so youd live longer till your son takes over and them kabits and offspring will remain as they are supposed to be.”
Galing din kay @michellegonzalogarcia, “Go Mrs. Consunji!! Let her feel that she’s always the other woman! And that V, never let him taste even an in inch of victory!”
Panalangin naman ni @eunicehenderson16, “You’re a fighter.. I am praying for your safety and that in God’s perfect time youll get to see your son.”
Pahayag ni @illicitustertiusdecimus, “Still MRS. CONSUNJI! Check her bio Kaya aba lahat nang rights ng pagiging Mrs. Ay nasakanya padin! Periodt! Yung other woman at Ang hubby Anu Kaya Ang next move ang gagawin? Hoping one day magkasama na si Ms. Maggie and her son Connor.”
Komento ni @kabitrachel789, “Since he dont want to sign the papers still you are Margaret Wilson CONSUNJI the LEGAL WIFE indeed!”
Tanong naman ni @dimituidenise, “Nu name ng the other women na preggy daw.”
Bukas ang BANDERA sa panig ni Victor tungkol sa isyung ito.
Related chika:
Bakit nga ba biglang naghiwalay sina Maggie Wilson at Victor Consunji after 11 years?
Victor Consunji may ganti nga ba sa pa-hashtag ni Maggie Wilson?
Maggie Wilson malungkot ngayong Pasko: I was refused time with my son
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.