Valentine hugot: Mga celebs na naghiwalay sa text, chat...at mga nabiktima ng 'ghosting' | Bandera

Valentine hugot: Mga celebs na naghiwalay sa text, chat…at mga nabiktima ng ‘ghosting’

Ervin Santiago |February 08,2023
facebook
share this

Valentine hugot: Mga celebs na naghiwalay sa text, chat…at mga nabiktima ng ‘ghosting’

Ervin Santiago - February 08, 2023 - 01:31 PM

Valentine hugot: Mga celebs na naghiwalay sa text, chat...at mga nabiktima ng 'ghosting'

Heart Evangelista, Jericho Rosales, Angelica Panganiban, Derek Ramsay, Ellen Adarna, Baste Duterte, Bianca King at Dennis Trillo

ANO ang mas pipiliin n’yo — ang  hiwalayan kayo ng dyowa n’yo nang harap-harapan at face to face o makipag-break sa pamamagitan  lang ng text message?

Siguradong marami na ang abangers sa nalalapit na Valentine’s Day pero aminin na natin na may mga taong ayaw nang mag-celebrate ng Araw ng mga Puso dahil hanggang ngayon ay nganga pa rin ang kanilang lovelife.

Pero sure na sure kami na merong ilan sa atin na makaka-relate sa pambasag na experience ng mga ex-celebrity couple na naghiwalay lang sa text, chat at tawag sa cellphone.

HEART EVANGELISTA & JERICHO ROSALES

May, 2008 nang ma-shock si Jericho Rosales nang biglang makipag-break sa kanya si Heart Evangelista. In-announce ito ng aktres on national TV habang nasa Malaysia si Echo.

Pagbalik ng aktor sa Pilipinas, na-interview siya sa airport, “Sad news and, you know, there’s been a big mistake. I, myself, I’m confused, e. I heard nakipag-break siya sa akin on TV, e, so…on text, it wasn’t clear, e.”

Paliwanag naman ni Heart, “Nakipag-break ako sa kanya sa telepono dahil sobrang sakit ng ginawa niya sa akin. Kaya para sa akin, hindi ko na kayang. Ayoko na siyang harapin, ayoko na siyang kausapin, kaya nakipag-break ako sa kanya sa phone.”

Depensa naman ni Jericho noon sa “The Buzz”, “Here is a man, okay? Loving a girl very much and truly. How can I? At this point dito sa buhay ko, dito sa sarili ko, pagsasabayin ko ang dalawang babae… and I look like this, miserable? I don’t think I can do that.”

HEART EVANGELISTA & DANIEL MATSUNAGA

Sa pamamagitan naman ng chat naghiwalay sina Heart at Daniel at in-announce nila ito sa Twitter noong April 14, 2012.

Nasa Brazil daw si Daniel nang mag-break sila ng Kapuso actress. Talagang na-hurt daw nang bonggang-bongga ang aktor at model nang maghiwalay sila ni Heart.

Ayon sa ulat, nagpaalam ang dalawa sa isa’t isa via Skype. May mga chika na ang parents daw ni Heart ang dahilan ng breakup pero dinenay ito ni Daniel.

ANGELICA PANGANIBAN & DEREK RAMSAY

Anim na taon tumagal ang relasyon noon nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban at nagtapos ito sa pamamagitan ng isang phone call. Sa panayam ng Star Studio Magazine kay Angelica noong April, 2013, inamin ng aktres na nag-away sila nang matindi ni Derek hanggang sa mag-break na nga.

Nangyari ang hiwalayan noong February, 2012 habang magkausap sila sa phone. Pilit daw siyang tinanong ni Derek kung may nararamdaman pa siya sa kanilang pagsasama na sinagot niya ng, “Wala. Wala na akong nararamdaman.” Agad-agad namang sumagot si Derek ng, “Okay, it’s over.”

May tatlong rason kung bakit hiniwalayan ni Angge si Derek, una ang pagiging “controlling boyfriend” daw ng aktor; ikalawa, ang awalan ng suporta umano ni Derek sa paghahanap niya sa kanyang tunay na tatay; at ikatlo, ang hindi pa noon naaaaprubahan na annulment ni Derek sa isang non-showbiz girl.

ANGELICA PANGANIBAN & JOHN LLOYD CRUZ

Mukhang nabiktima rin ng ghosting si Angelica Panganiban nang pabiro siyang magbigay ng mensahe sa ex-dyowang si John Lloyd Cruz matapos sabihing wala silang formal closure ng aktor.

Sa “Dyodyowain o Totropahin” challenge ng magkakaibigang Angelica, Kim Chiu at Bela Padilla noong October 10, 2020 ay napag-usapan pa nga si Lloydie.

“Bakit nasaan ba siya ngayon? Nahanap na ba siya?” ang hirit ng aktres na ang tinutukoy ay ang pamamahinga ni John Lloyd sa showbiz.

Hirit ni Angelica kay John Lloyd, “Kung nahanap ka na, baka naman pwede magparamdam ka at magpaalam ka one last time.”

BIANCA KING & DENNIS TRILLO

April, 2015 nang aminin ni Bianca ang paghihiwalay nila ni Dennis sa pamamagitan ng text message. November, 2012 sila nang mag-break matapos ang isang taong relasyon.

Super na-hurt daw talaga si Bianca sa hiwayan nila ng aktor lalo pa’t sa cellphone lang niya nabasa ang text sa kanya ni Dennis.

“Mga one month after po naka-get over na ako. Kasi po, hindi po magandang gawin yun sa kahit na sinong tao.

“Kahit hindi mo man mahal yung tao, bilang respeto mo sa tao, maganda na makapag-usap nang face to face. Kahit hindi breakup, yung important na usapan, I think, it’s better in person.”

ELLEN ADARNA & BASTE DUTERTE

Tumagal ng seven months ang relasyon nina Ellen Adarna at Baste Duterte. Nakipaghiwalay ang anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Ellen sa pamamagitan din ng text message.

“It was a very weird breakup. Instead of parang girlfriend na ‘Good morning,’ ganyan-ganyan, ang text niya, ‘Ano kaya kung maghiwalay tayo?’

“Question mark. Siya ang nagsabi. And then, ayun, hindi na kami nag-usap,” sey ni Ellen sa isang panayam.

Inamin naman ni Baste na pinagsabay niya si Ellen at non-showbiz girlfriend na si Kate Necesario.

BIANCA MANALO & JOHN PRATS

“Bad ending” kung ilarawan ni Bianca ang breakup nila ni John dahil, “Hiniwalayan ako sa text!”

February, 2015 o tatlong taon makalipas silang maghiwalay ni John, inamin ni Bianca na walang closure ang kanilang breakup. Aniya, ang aktor at direktor ang nakipag-break sa kanya.

MIMIYUUUH & NON-SHOWBIZ BOYFRIEND

Nasa Indonesia naman si Mimiyuuuh nang makipaghiwalay sa kanya ang boyfriend sa text.

“Sabi niya, ‘Hi, I think this is not gonna work. Naghahanap lang ako ng tiyempo to say this to you.’ ‘Yun po ‘yung parang first words na nabasa ko po sa message niya, and hindi ko po alam ‘yung ire-react ko that time kasi na-shock po ako.

“Tapos noong mag-isa na po ako sa hotel, lahat ng emosyon parang na-feel ko po siya. I really felt alone po kasi all this time, I thought I found my home. Eh hindi pa po pala,” pahayag ng social media influencer.

Payo naman niya sa mga nasaktan at masasaktan pa dahip sa pag-ibig, “Always remember na time heals everything. Yeah, malungkot ka ngayon, pero darating din ‘yung panahon na tatawanan mo na lang ‘tong mga ganitong experience.

“Before you get into a relationship, make sure na you really love yourself. And if you love yourself, you don’t need to beg for anything kasi alam mo sa sarili mo na kawalan ka.

“At kung mahal mo ang sarili mo, alam mo kung ano ang deserve mo. And we all deserve the best. Deserve nating ma-feel special every day, hindi lang po sa ating mga birthday,” paalala pa ni Mimiyuuuh.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

BEA ALONZO & GERALD ANDERSON

Naging national issue talaga ang breakup nina Bea at Gerald ilang taon na ngayon ang nakararaan at naging bukambibig din ng mga Pinoy ang salitang “ghosting.”

“Honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me,” ang pahayag ni Bea sa panayam ni Boy Abunda.

Sabi naman ni Gerald, “Wala po akong ghinost
Ano po ba ang definition ng ghosting? Kasi ang dating sa ‘kin is parang nasa gitna kami ng dinner and then nag-decide ako na mag-walkout and ‘di magpapakita kahit kailan.

“Yun ba ang definition or is it walking away from a very unhealthy, toxic — not saying na siya ‘yung toxic, ako ‘yung toxic – but being together we were very toxic.

“And hindi nirerespeto ‘yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap after months and months and months and months and months of being on the rocks at medyo away? I mean ‘yun lang. I’m just gonna leave it at that.”

Angelica Panganiban naloka sa regalo ni Kim sa kanyang baby: Parang kinakabahan ako…

Angelica Panganiban ayaw nang maniwala sa ‘kembak’: Kapag may history ng pambubudol, never again!

Pagsasama nina Derek at Ellen bilang mag-asawa tinaningan ng basher: 1 taon lang kayo magtatagal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending