Alex sinorpresa ang 5 maswerteng fans: 'Thank you so much dahil hindi kayo sumuko, hindi n’yo 'ko iniwan' | Bandera

Alex sinorpresa ang 5 maswerteng fans: ‘Thank you so much dahil hindi kayo sumuko, hindi n’yo ‘ko iniwan’

Ervin Santiago |February 06,2023
facebook
share this

Alex sinorpresa ang 5 maswerteng fans: ‘Thank you so much dahil hindi kayo sumuko, hindi n’yo ‘ko iniwan’

Ervin Santiago - February 06, 2023 - 08:12 AM

Alex sinorpresa ang 5 masuswerteng fans: 'Thank you so much dahil hindi kayo sumuko, hindi n’yo 'ko iniwan'

Alex Gonzaga

LIMANG masusuwerteng fans ang napili ng kontrobersyal TV host-actress at vlogger na si Alex Gonzaga para pasalamatan nang personal sa patuloy na suportang ibinibigay sa kanya.

Talagang pinuntahan ni Alex sa kani-kanilang mga bahay ang mga napili niyang followers at subscribers na ilang taon na ring sumusubaybay sa kanya bilang  YouTuber o content creator.

In fairness, napasama agad sa Top 10 trending video sa YouTube ang “Dear Alex Papicture Naman + iPhone by Alex Gonzaga” dahil sa dami na nang nakapanood nito.

“Thank you so much for subscribing, thank you so much for staying,” simulang pahayag ni Alex.

“Thank you so much dahil hindi kayo sumuko, hindi n’yo ko iniwan sa ating pagsasama,” aniya pa.

Sabi ng TV host at aktres, pumili siya ng limang e-mail na ang gusto at request lamang ay ang ma-meet siya up close and personal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


At talagang nag-effort nga siya na bisitahin sa kani-kanilang tahanan  bahay para tuparin ang kanilang hiling.

Naging emosyonal pa si Alex nang magpasalamat siya sa kanyang subscribers na patuloy pa ring nagmamahal at sumusuporta sa kanya sa kabila ng mga iskandalo at kontrobersiyang kinasangkutan niya.

“Maraming, maraming salamat dahil alam ko nandiyan kayo at nagre-reply para lang pagaanin yung nararamdaman ko,” mensahe ni Alex.

Nitong mga nakaraang linggo, na-bash nang todo si Alex dahil sa pambabastos niya sa isang waiter sa kanyang birthday salubong.

At nito lang nagdaang linggo, muling nabugbog si Alex nang magsalita si Dina Bonnevie tungkol sa pagiging pasaway niya noon sa teleseryeng ginawa nila sa TV5, ang “P.S. I Love You.”

Sa panayam ng “Fast Talk With Boy Abunda”, inamin ni Ms. D na talagang kinompronta niya si Alex dahil sa pagiging late nito palagi sa taping at ni hindi man lang daw ito nagso-sorry sa kanila.

Juday, Gladys muling nagkita after 5 years, game na game na nag-TikTok sa birthday party ni Luna

Sanya gustong maging superhero; type ring sumabak sa LGBTQ project kasama si Solenn

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janella na-in love sa backstory ni Valentina: Sabi ko talaga, kailangan ko itong makuha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending