Netizens naantig sa love story ng mag-asawang pinaghiwalay ng COVID, tinupad ang sumpaang 'for better or worse, till death do us part' | Bandera

Netizens naantig sa love story ng mag-asawang pinaghiwalay ng COVID, tinupad ang sumpaang ‘for better or worse, till death do us part’

Pauline del Rosario - February 05, 2023 - 05:26 PM

Netizens naantig sa love story ng mag-asawang pinaghiwalay ng COVID, tinupad ang sumpaang 'for better or worse, till death do us part'

TUMAGOS sa puso ng maraming netizens ang love story ng mag-asawa na mahigit 54 years nang kasal.

Tinupad ng couple ang sumpaan nila sa harap ng simbahan na “for better or for worse, till death do us part,” ngunit sila ay pinaghiwalay ng COVID-19.

Sila ang mag-asawang Ely at Domeng Nueva, na nasa edad 82 at 86, na mula sa Angono sa Rizal.

Nasawi dahil sa COVID si tatay Domeng noong 2021 pero hanggang sa huli ay ipinakita niya ang matinding pagmamahal kay nanay Ely.

Kwento ng bunso nilang anak na si Aileen Nueva Enconado sa INQUIRER.NET, parehas na tinamaan ng COVID ang kanyang magulang noong Marso.

March 7 nang ma-ospital si Tatay Domeng, at March 12 naman ang kanyang ina.

Chika niya, “When my tatay found out na nasa kabilang room lang pala niya ang nanay ko, he did not stop asking us hanggang sa makita niya ito.”

Dagdag niya, “For several days, gusto ni tatay na lagi silang magkita, so their doctor and nurses decided to put them in one room na lang.”

March 21 naman nang gumaling at makauwi na sa kanilang bahay ang mag-asawa at tiniyak nilang magkakapatid na magkasama pa rin sila sa isang kwarto.

Hanggang isang araw raw ay pumanaw na nga ang kanilang tatay habang hawak-hawak ang kamay ng kanyang ina.

Kwento ni Aileen, “Dad passed away in his sleep while holding hands with my mom.”

Patuloy niya, “Until today, laging ikinukwento ng nanay na magka-holding hands silang natulog that night bago pumanaw si tatay. True to his promise, to love my mom until his last breath.”

“My dad passed away on my birthday last Mar. 24 and it made his death more memorable,” aniya.

Hindi rin pinalagpas ni Aileen na paalalahanan ang publiko na mag-ingat pa rin sa COVID, lalo na kung may mga kasamang senior citizens sa iisang bahay.

Sey niya, “For all the families living with their parents or with senior citizens, let us always be mindful and cautious in protecting ourselves so that we can protect our aging citizen parents.”

Patuloy niya, “If you really want to visit them, follow the health protocols.”

“Wear a face mask, use rubbing alcohol or sanitizer, and wash your hands. If you love them, protect yourself to protect them,” aniya.

Ibinandera ng BE AN INQUIRER  ang love story ng mag-asawa at maraming netizens naman ang naantig sa kwento ng mag-asawa na nakakuha ng libo-libong reactions.

Related chika:

Candy Pangilinan naantig sa ginawa ng anak; thankful sa natatanggap na blessings

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza may pa-Q&A kay Carla Abellana: Totoo po ba ang chismis?

Pakiusap ni Lolit Solis sa mga apektado sa relasyon nina Heart at Chiz: ‘Let them love each other in their own way’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending