Babaeng kukuha ng CENOMAR, certificate ang natanggap

Babaeng kukuha ng CENOMAR, marriage certificate ang natanggap

Therese Arceo - November 21, 2024 - 04:07 PM

Babaeng kukuha ng CENOMAR, marriage certificate ang natanggap

NALOKA ang isang babae sa kanyang nadiskubre nang mag-request ito na kumuha ng Certificate of No Marriage o CENOMAR.

Imbes kasi na makuha ang dokumentong hinihingi ay Certificate of Marriage ang kanyang natanggap.

Base sa inilabas na report ng “Saksi”, maging ang babaeng nakilala na si Evelyn Ruelan ay nagulat na kasal na pala siya sa taong hindi naman niya kilala.

“Nang nalaman ko na kasal na ako, nagulat ako. Sabi ko, ‘Bakit? Ano ba ang nangyari, hindi naman ako ikinasal?'” saad ni Evelyn.

Baka Bet Mo: Babaeng nag-viral sa pagtayo sa parking slot nakiusap, ‘wag na ipakalat ang video

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dagdag pa niya, “Paani ako ikakasal sa taong hindi ko kakilala?”

Base kasi sa dokumentong nakuha ni Evelyn, ikinasal siya noong November 16, 2023 sa isang Indian national na ginanap sa Valenzuela.

Aniya, hindi niya ito kilala at hindi pa siya nakakapunta sa Valenzuela.

Nagtataka rin si Evelyn dahil tama ang lahat ng mga detalyeng nakalagay sa marriage certificate.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakatakda namang pumunta sa opisina ng Philippine Statistics Authority sa Bacolod para sa imbestigasyon.

“Sana tulungan n’yo ako. Hindi ako magpapakasal hangga’t hindi ko masolusyunan ang problema,” pakiusap pa ni Evelyn.

Kinakailangan kasi ng CENOMAR ni Evelyn bago tuluyang maikasal sa kanyang partner na gaganapin sana sa susunod na buwan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending