Xian Gaza may pa-Q&A kay Carla Abellana: Totoo po ba ang chismis? | Bandera

Xian Gaza may pa-Q&A kay Carla Abellana: Totoo po ba ang chismis?

Therese Arceo |January 26,2022
facebook
share this

Xian Gaza may pa-Q&A kay Carla Abellana: Totoo po ba ang chismis?

Therese Arceo - January 26, 2022 - 04:39 PM

Xian Gaza may pa-Q&A kay Carla Abellana: Totoo po ba ang chismis?

MULI na namang umariba ang social media personality na si Christian “Xian” Gaza at tila hindi papahuli sa chika sa pagitan ng mag-asawang sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang screenshot ng kanyang message sa Kapuso actres.

“May gusto lang sana akong linawin para makatulog na po ako. Dalawang gabi na po kasi akong binabagabag nito. Apektado na po ang mental health ko,” umpisa ni Xian.

“How true po na may ibang nabuntis few months bago ang kasal? Totoo po ba ang tsismis na itey? Or fake news lamang ito? Nyealamat (Salamat) po,” pagpapatuloy pa niya.

Hindi naman malinaw kung ang asawang si Tom ang tinutukoy ni Xian dahil wala naman siyang sinabing pangalan.

Mainit ngayong usap-usapan sina Carla at Tom dahil sa pag-unfollow nila sa Instagram account ng isa’t isa.

May mga chika ring kumakalat na hiwalay na agad ang dalawa matapos ang kanilang bonggang kasal noong Oktubre 2021.

Mas lalo pang umugong ang tsismis ng kanilang paghihiwalay dahil sa cryptic post ni Tom na may text na “.float”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)

Maririnig sa video ang ilang spiels mula sa “Cowboy Bebop”, isang anime series na gawa ni Shinichiro Watanabe noong 1998.

Sabi ng karakter na si Faye sa video, “Now you’re living just like that? Why you need to go? Where are you going?”

“I’m going to find real life, real life,” sey naman ng lalaking karakter na si Spike.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagamat nananatiling tahimik ang dalawa sa isyu ay isang TomCar fan naman ang nagkumpirma na in-unfollow nga ng mag-asawa ang isa’t isa.

Bukas ang BANDERA para sa magiging pahayag nina Tom at Carla hinggil sa isyung ito.

Related Chika:
#Anyare: Carla Abellana, Tom Rodriguez in-unfollow sa IG ang isa’t isa, naghiwalay na nga ba?
Relasyon nina Barbie at Diego iniintriga ni Xian Gaza; pasabog na blind item bentang-benta
Ogie Diaz kay Xian Gaza: Tigilan mo na ang pagiging Marites!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending