Vivamax actor Gold Aceron never pang namboso: 'Pero kung ako ang bobosohan, OK lang sa akin' | Bandera

Vivamax actor Gold Aceron never pang namboso: ‘Pero kung ako ang bobosohan, OK lang sa akin’

Ervin Santiago |February 05,2023
facebook
share this

Vivamax actor Gold Aceron never pang namboso: ‘Pero kung ako ang bobosohan, OK lang sa akin’

Ervin Santiago - February 05, 2023 - 07:52 AM

Vivamax actor Gold Aceron never pang namboso: 'Pero kung ako ang bobosohan, OK lang sa akin

Gold Aceron, Micaella Raz at Vince Rillon

SUMUSUMPA ang Vivamax actor na si Gold Aceron na hindi pa niya naranasang manilip o mamboso sa buong buhay niya.

Yan ang sabi ng binata sa zoom presscon ng pelikulang “Boso Dos” sa direksyon ni Jon Red, na siya ring gumawa ng unang “Boso” noong 2005.

Kuwento ni Gold, ang “Boso Dos” na raw ang pinakamahirap na proyektong ginawa niya mula nang pumasok siya sa mundo ng showbiz ilang taon na ngayon ang nakararaan.

In fairness, nagmarka sa mga manonood ang role niya sa “Scorpio Nights 3” na pinagbidahan nina Mark Anthony Fernandez at Christine Bermas.

Marami rin ang pumuri sa kanya sa LGBTQIA+ movie na “May December January” kasama sina Kych Minemoto at Andrea del Rosario kung saan gumanap siya bilang bading na malapit nang mamatay.

At dito nga sa “Boso Dos”, sinabi ni Gold na mas matinding hamon ang kanyang hinarap, “This is my most challenging role so far. Kasi dati, laging bata ang role ko, teenager.

“But here, I play a mature role as a young undercover cop assigned to spy on a drug den led by Vince Rillon. So dapat akong mag-project ng pagiging pulis na ngayon ko lang nagawa,” aniya.

Sa “Boso 1” si starring Epy Quizon ang gumanap na “mamboboso” at napanood daw ito ni Gold, “Yes, I did, pero ibang iba na ang story ng ‘Boso Dos’. Si Kuya Epy, naninilip lang sa butas sa dingding.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gold Aceron (@golddaceron)


“Dito, we spy on the drug dealers using modern technology like CCTV cameras, so this is a Boso movie for today’s generation of young people,” kuwento ng binata.

Kumusta katrabaho si Direk Jon Red? “I didn’t really know Direk Jon Red, pero sa story con pa lang, I saw na ibang klase pala siya.  May kakaibang sense of humor siya na hindi nagpapatawa, pero matatawa ka.

“First time ko rin to work with most of the cast members and I really enjoyed working with all of them,” sabi ni Gold.

Kasama rin sa movie ang mga Vivamax sexy stars na sina Micaella Raz at Chloe Jenna at pareho siyang may love scenes sa dalawa. Gaano katindi ang pinaggagawa nila sa pelikula?

“Well, they are not as intense as what I did in ‘Scorpio Nights 3’. The love scenes here are more intimate, more tender.

“It helps that I feel so comfortable with both Mica and Chloe. They both give their own suggestions on how we can do our scenes together.

“Lalo na si Chloe who plays my girlfriend. We really feel so close na parang naghaharutan lang kami sa set,” lahat ni Gold.

At sa tanong nga kung nakaranas na siyang mamboso, “No. hindi pa ako namboso, pero kung ako ang bobosohan, okay lang sa akin. Wala namang mawawala sa akin.”

Samantala, ano naman ang masasabi niya na inutusan ng mga bossing ng Viva Entertainment ang kanilang mga direktor na medyo maghinay-hinay sa paggawa ng mga sex scenes dahil daw sa mga reklamo ng manonood.

“Kung ito-tone down ang movies ng Vivamax, okay lang sa akin. Ako naman, kahit ano, game ako as an actor.

“Bahala na ang director kung ito-tone down nila. Basta kung ano ang dapat na ipagawa sa akin ng direktor para sa ikagaganda ng movie, okay lang sa akin, I will do it,” pahayag ni Gold.

Bukod kina Gold, Micaella at Chloe, ka-join din sa movie sina Vince Rillon, Yen Durano at Alvaro Oteyza with the special participation of Joel Torre, Ronnie Lazaro, Katya Santos at Epy Quizon.

Napapanood na ngayon exclusively ang “Boso Dos” sa Vivamax.

Gold Aceron bagong alaga ni Kean Cipriano; idol na idol sina Robin at Coco

Gold Aceron nag-enjoy sa love scene nila ni Kych Minemoto: Hindi ako nandiri sa kanya, yung puwet niya pinisil-pisil ko pa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gold Aceron sumusumpang straight at babae pa rin ang gusto; Kych Minemoto tumangging aminin ang sexual preference

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending