Miss Charm PH Annabelle McDonnell ‘walks the talk’
NAGTRABAHO na si Annabelle McDonnell bilang special operations officer sa ilalim ng tanggapan ng alkalde ng Iligan City sa Lanao del Norte. Sinabi niyang dahil dito, “I also walk the tak” sa pamamagitan ng pagkilos kaugnay ng mga gawain ng local government unit, at maging sa pag-uugnay sa iba’t ibang tao sa isa’t isa.
“I’m so glad that I cannot only just talk…I am very fine tuned with the logistics and everything else that goes along with hosting events and linking organizations together,” sinabi ng 22-taong-gulang na dilag na hinirang bilang 2022 Miss Universe Philippines first runner-up, at ngayon ay itinalaga bilang Miss Charm Philippines.
Iginawad kay McDonnell, na isa ring radio host na nagsusulong ng kamulatan sa mga usaping panlipunan at pampulitika sa mga kabataan, ang titulong unang napanalunan ni Ashley Subijano Montenegro sa 2019 Global Asian Model Philippines search.
Nakatakda sanang katawanin ni Montenegro, anak nina Binibining Pilipinas World Cara Subijano at host-model Hans Montenegro, ang Pilipinas sa unang edisyon ng Miss Charm pageant na itinakdang itanghal sa unang kwarter ng 2020. Ngunit naunsyami ang pagdaraos nito dahil sa COVID-19 pandemic.
Isinuko ng orihinal na Miss Charm Philippines titleholder ang korona nang sumabak siya sa 2022 Miss World Philippines pageant, kung saan siya hinirang bilang isa sa mga nagwagi. Nakatakda siyang tumulak pa-Egypt bago magtapos ang buwan upang tangkaing mabigyan ang Pilipinas na ikalawang kasunod na panalo sa Miss Eco International competition.
Tinanggap ni McDonnell ang titulo bilang Miss Charm Philippines sa huling kwarter ng 2022, at lumipad sa Ho Chi Minh sa paanyaya ng pandaigdigang organisasyon, kasama ang mga kinatawan ng ilang piling mga bansa.
“It was an exhilarating experience. It was the first time that I would bring the Philippine sash on my chest, so that was something for the books, definitely,” ibinahagi niya.
Doon, nasaksihan niya kung paanong niyayakap ng mga Vietnamese ang kultura at pamana sa bansa sa pamamagitan ng pagsasanib ng tradisyon at pagkamakabago sa Ho Chi Minh. “I think that is something we Filipinos should really circle back to as well,” ani McDonnell.
Sinabi rin niyang nagkaroon din siya ng ideya sa kung ano ang hinahanap ng Miss Charm organization sa Vietnam sa unang pagdalaw niya sa Vietnam.
“They are also looking for somebody who can be an ambassador for sustainable tourism as well,” ani McDonnel. Kaya tila naging hindi inaashaang paghahanda para sa kanya ang pagtratrabaho sa LGU.
“One of the best accomplishments I have with my work last year was bridging the gap between the Miss Universe Philippines and the LGU of Iligan, through our partnership with Save the Children. And I’m also glad, out of that charity lunch that we hosted in Iligan City, I actually received the news that we are going to have a partnership with Save the Children for the Sikyop Agricultural Cooperative. It’s a cooperative led by the three tribes of Iligan City, for the children,” ibinahagi niya.
Sinabi rin ni McDonnell na maaaring naghahanap din ang Miss Charm organization ng isang “great spokesperson to inform and better educate people on the merits of web3 technology, particularly blockchain technology, and how we can grow financially, and personally as well, from engaging in cryptocurrencies and NFTs.”
Apatnapung kinatawan mula sa iba’t ibang bansa ang magtatagisan para sa korona sa 2023 Miss Charm pageant. Itatanghal ang coronation program sa Ho Chi Minh sa Peb. 16.
Related Chika:
Bea Gomez may bitbit na lucky charm mula sa Vatican nang lumaban sa Miss U PH 2021
Miss Grand PH pageant tumatanggap na ng mga aplikante para sa finals sa Marso
MUO president sinabing ‘celebration of women’ ang 71st Miss Universe pageant
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.