Sharon sa pagiging ‘queer’ ni Miel: ‘Anuman siya tatanggapin ko kasi mas importante sa akin ‘yung matinong tao ang anak ko’
SUPORTADO nang bonggang-bongga ni Megastar Sharon Cuneta ang anak nila ni Kiko Pangilinan na si Miel, na buong tapang na umamin last year na isa siyang proud member ng LGBTQIA+ community.
Ipinagmalaki ng award-winning actress at TV host ang kanyang anak sa buong universe at ipinagdiinang walang isyu sa kanya ang gender at sexual preference nito.
Aniya, napakabuti at mapagmahal na anak at kapatid ni Miel at sapat na raw yun para sa kanya. Hindi raw niya kokontrahin at kokontrolin kung ano talaga ang gusto ng anak nila ni Kiko.
“My Miel, itong anak ko hindi ba siya came out sabi niya ‘I’m queer.’ Nu’ng nagsabi siya sa amin, nagulat lang ako sandali pero sa akin parang ‘o so?’ She’s a good kid,” pahayag ni Mega sa guesting niya sa “Magandang Buhay” kamakailan.
Pagpapatuloy pa niya, “Aba eh, ‘yung anak ko napakabuting tao, napakaganda ng heart nitong si Miel. She’s very talented, she’s very sweet, very loving.
View this post on Instagram
“Whatever my daughter Miel, and all my kids for that matter, want susuportahan namin kasi matitino silang bata,” lahad pa ng Kapamilya star.
Dagdag pa niya, “Anuman siya tatanggapin ko kasi mas importante sa akin ‘yung matinong tao ang anak ko kahit iba ‘yung preferences niya.”
Samantala, inilarawan naman ni Sharon si Frankie bilang “bestie” at nakikita rin daw niya ang sarili sa dalaga. Pero aminado siya na mas matapang ito kesa sa kanya.
“Loving and respectful child” naman kung ipagmalaki niya si Miguel, “Alam mo ba napunta sa amin si Miguel one day old.
“Hindi ko pa nakikita ang picture niya, may nagsabi na ‘may baby boy dito.’ Sabi ko, ‘Akin ‘yan. Huwag niyo ibibigay kahit kanino, akin yan.’
“Hindi ko pa alam kung ano ang itsura niya o kung kumpleto ba fingers niya, hindi ako nagtanong. Tapos nung dumating sa akin, sabi ko, ‘Now I understand why God didn’t give me a son to carry in my tummy. It’s because He was giving me you to me,’” pahayag ni Shawie.
Ito naman ang mensahe ng Megastar sa panganay na anak kay Gabby Concepcion, “Bali-baligtarin mo man ang mundo, isa lang ang nanay mo at siya lang ang panganay ko.
“Siya ang unang-unang nagparamdam sa akin ng pagiging ina. So anuman ang mangyari, mamahalin at mamahalin ko siya. Mahal na mahal ko si KC.
“Kasi she grew up I had to work kasi ayaw ko maging sampid sa parents ko. At ayaw ko maging example sa kanya na aasa ka. That’s why she knows how to work, she’s a hard worker and I’m proud of that,” pahayag pa ng veteran actress-TV host at OPM legend.
KC, Frankie proud na proud sa pag-come out ni Miel Pangilinan bilang ‘queer’
Sharon sa pag-come out ni Miel: I’m proud of my children and all my children are perfect!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.