Pelikulang ‘Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves’ star-studded, mala-’Money Heist’ ang peg | Bandera

Pelikulang ‘Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves’ star-studded, mala-’Money Heist’ ang peg

|January 28,2023
facebook
share this

Pelikulang ‘Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves’ star-studded, mala-’Money Heist’ ang peg

- January 28, 2023 - 02:22 PM

Pelikulang ‘Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves’ star-studded, mala-’Money Heist’ ang peg

PHOTO: Courtesy Paramount Pictures International

TAMPOK ang ilang bigating Hollywood stars sa bagong adventure-action film na ipapalabas sa darating na Marso.

Ito ang “Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves” na mala-”Money Heist” ang peg ngunit ang kaibahan lang ay hindi pangkaraniwan ang kanilang tatahakin.

Ang action film ay nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa March 29.

Tampok diyan ang ilang sikat na artista gaya nina Chris Pine, Michelle Rodriguez at Regé-Jean Page.

Makakasama rin nila sina Justice Smith, Sophia Lillis, Chloe Coleman, Daisy Head at Hugh Grant.

Base sa inilabas na trailer, isang kaakit-akit na magnanakaw at isang grupo ng mga manlalakbay ang nagkasundong magsagawa ng isang operasyon na kung saan ay hahanapin at nanakawin nila ang isang importanteng “relic.”

Ngunit mapapanood din na matindi ang pagdadaanan nila sa kanilang adventure.

Iba’t-ibang klase ng mga kalaban ang kanilang hinarap hanggang sa may nakabangga silang napakalakas na kontrabida.

Ang nasabing pelikula ay base sa isang fantasy game na inilabas noong 1974 na may titulong “Hasbro’s Dungeon and Dragons.”

Related chika:

Park Seo Joon bibida sa isang Marvel film, ipapalabas na sa July 2023

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pelikulang ‘65’ mala-’Jurassic Park’ ang tema, action-packed ang mga eksena

‘Shazam!’ may kaabang-abang na sequel sa Marso, ipinakilala ang mga bagong kontrabida

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending