‘Shazam!’ may kaabang-abang na sequel sa Marso, ipinakilala ang mga bagong kontrabida | Bandera

‘Shazam!’ may kaabang-abang na sequel sa Marso, ipinakilala ang mga bagong kontrabida

Pauline del Rosario |January 27,2023
facebook
share this

‘Shazam!’ may kaabang-abang na sequel sa Marso, ipinakilala ang mga bagong kontrabida

Pauline del Rosario - January 27, 2023 - 04:19 PM

‘Shazam!’ may kaabang-abang na sequel sa Marso, ipinakilala ang mga bagong kontrabida

PHOTO: Courtesy Warner Bros. Pictures

MAGKAKAROON ng sequel ang 2019 superhero film na “Shazam!” ngayong taon.

Ang title niyan ay “Shazam! Fury of the Gods” na mapapanood sa mga lokal na sinehan sa March 15.

Ayon sa Warner Bros. Pictures, itutuloy sa nasabing pelikula ang kwento ng binata na si Billy Batson na nagiging adult superhero na si Shazam.

Iikot din ang istorya nito sa iba pang mga kaibigan ni Billy na nagta-transform din bilang superheroes kagaya niya na pinag-aaralan pa rin ang ipinagkaloob na kapangyarihan.

Sa inilabas na pasilip, makikita rin ang mga bagong makakalaban ng mga bida.

Sila ang tinatawag na “Daughters of Atlas” na ginagampanan ng ilang bigating Hollywood actresses na sina Rachel Zegler, Lucy Liu at Helen Mirren.

Bida pa rin bilang “Shazam” si  Zachary Levi at ang alter ego nito na si Asher Angel bilang si Billy Batson.

Tampok din sina Adam Brody bilang Super Hero Freddy, Ross Butler na gaganap na Super Hero Eugene, Meagan Good as Super Hero Darla, D.J. Cotrona bilang Super Hero Pedro at Grace Caroline Currey as Super Hero Mary.

Related chika:

Darryl Yap may pa-countdown na sa part 2 ng Maid In Malacañang; sino nga kaya kina Herbert at Phillip ang gaganap na Ninoy Aquino?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marian, Dingdong may bonggang pasabog sa pagpasok ng 2022

Coleen itinuturing na blessing at ‘hero’ si Billy: Thank you for being you!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending