Pelikulang ‘65’ mala-’Jurassic Park’ ang tema, action-packed ang mga eksena | Bandera

Pelikulang ‘65’ mala-’Jurassic Park’ ang tema, action-packed ang mga eksena

Pauline del Rosario - January 28, 2023 - 11:36 AM

Pelikulang ‘65’ mala-’Jurassic Park’ ang tema, action-packed ang mga eksena

PHOTO: Courtesy Columbia Pictures

MUKHANG nagsama-sama ulit sa panibagong pelikula ang staff at crew na gumawa ng blockbuster film na “A Quiet Place.”

Sa darating na Marso, isang bagong pelikula ang magpapanyerbos sa mga moviegoers.

Ito ang epic action thriller na “65” na pinagbibidahan ng American actor na si Adam Driver.

Ang kanyang karakter diyan ay bilang piloto na napunta sa mundo ng mga dinosaurs.

Kasama rin niya ang Hollywood child actress na si Ariana Greenblatt na isa sa mga pasahero ni Adam sa pelikula.

Sa bagong pasilip, mapapanood ang ilang madetalyeng eksena na kung saan ay pinipilit ng dalawang survivors na mabuhay habang nakikipaglaban at nagtatago sa mga nakakatakot prehistoric creatures o dinosaurs.

Matatandaan sa unang trailer na nilabas ay makikitang tinamaan ng isang malaking asteroid ang ship nina Adam at Ariana kaya sila napunta sa isang kakaibang mundo.

At kaya pala “65” ang title nito dahil ang setting ng inaabangang pelikula ay 65 million years ago.

Related chika:

Dolly de Leon inisnab sa Oscars 2023, pero ‘Triangle of Sadness’ lalaban sa pagka-Best Picture

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mga customer na lumafang sa samgyupsalan viral na, staff na-shock sa ginawa ng grupo bago mag-alisan

Wilbert Tolentino muling nagpatutsada: Forda sipsip na naman ang mga ferson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending