Wilbert Tolentino muling nagpatutsada: Forda sipsip na naman ang mga ferson | Bandera

Wilbert Tolentino muling nagpatutsada: Forda sipsip na naman ang mga ferson

Therese Arceo |October 21,2022
facebook
share this

Wilbert Tolentino muling nagpatutsada: Forda sipsip na naman ang mga ferson

Therese Arceo - October 21, 2022 - 01:22 PM

Wilbert Tolentino muling nagpatutsada: Forda sipsip na naman ang mga ferson
TRENDING pa rin ngayon ang vlogger at talent manager na si Wilbert Tolentino dahil sa panibagong panibagong patutsada nito sa social media.

Kahapon, October 20, may isa na namang cryptic post ang talent manager sa kanyang Facebook page patungkol sa mga taong “sipsip”.

“Forda sipsip nanaman ang mga ferson na galamay. Taga post at taga pag tanggol eme para kunyari kawawa at aping api ung amo. Idadaan nanaman sa drama rama sa hapon at marami naman naniwala,” saad ni Wilbert.

Dagdag pa niya, “Juice colored pineapple juice kung alam nyo lang pano kayo inikot sa socmed. kaya gumising kayo. papunta palang tayo sa exciting part.”

Wala namang binanggit na pangalan si Wilbert kung sino ang mga taong sinasabi niyang sipsip at ang “amo” ng mga ito ngunit may hinuha naman ang mga netizens.

Chika ng mga netizens, mukhang ang social media influencer na si Zeinab Harake talaga ang pinariringgan nito at ang mga miyembro ng “Team Zebby”.

Matatandaang noong isang araw lang rin nang magparinig siya patungkol sa taong “user”at magaling “magpa-victim”.

“Ganun tlaga may mga tao tlaga na sobrang galing mag paikot ng tao sa social media. Magaling mag pavictim na kaya nya gamitin ang sariling trahedya for views and popularity,” sey ng talent manager.

Marami naman sa mga netizens ang nagpayo kay Wilbert na huwag na lamang pansinsin at sana ay ihinto na lamang ang pagpaparinig dahil may ibang tao na maaaring maapektuhan sa kanyang mga patutsada.

“Be the better and more matured person. Kesa makipag-bardagulan. Mas makikita ng fans kung sino ang mas matured kung less posts tayo. Edi deadmahin nalang isa’t isa kung hindi na kaya maging okay kesa mabago tingin sayo ng tao. Madame nag-admire sayo dahil sa pagiging matulungin mo sana un nalang iwan momg marka kesa ung pakikipag-away sa socmed,” comment ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Tolentino (@sirwil75)

Dagdag pa ng isa, “Mag usap kayo sa personal wag sa social media Kasi kahit papano meron kayong pinagsamahan…remember the good times and bad times you guys went through para magkasiraan pa dito sa social media. magpapasko tayo po at magmahalan at magkapatawaran…I thank you.”

Nanatili namang tahimik si Zeinab sa kabila ng pagkakadawit niya sa mga cryptic posts ni Wilbert na madalas niyang makasama noong bago pa lang ito sa pagiging vlogger.

Bukas naman ang BANDERA para sa dalawang kampo upang linawin ang isyu na kanilang kinasasangkutan.

Related Chika:
Wilbert Tolentino may hugot sa mga ‘user’ at ‘pa-victim’, patama kay Zeinab Harake?

Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wilbert Tolentino may hugot sa taong matigas ang ulo, may pinatatamaan nga ba?

Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending