OG team ng ‘Magic Mike’ muling magsasanib-pwersa para sa ‘finale’ ng pelikula after 7 years | Bandera

OG team ng ‘Magic Mike’ muling magsasanib-pwersa para sa ‘finale’ ng pelikula after 7 years

Pauline del Rosario - January 27, 2023 - 02:18 PM

OG team ng ‘Magic Mike’ muling magsasanib-pwersa para sa ‘finale’ ng pelikula after 7 years

PHOTO: Courtesy Warner Bros. Pictures

MATAPOS ang pitong taon ay magkakasama ulit ang orihinal na grupo na gumawa ng blockbuster musical comedy na “Magic Mike.”

Muli silang nagsanib-pwersa upang tapusin na ang kwento ni “Mike,” ang bidang karakter na ginagampanan ng Hollywood actor na si Channing Tatum.

Ang finale nito ay pinamagatang “Magic Mike’s Last Dance” at nakatakda itong ipalabas sa February 8 sa mga lokal na sinehan.

Ayon sa direktor ng pelikula na si Steven Soderbergh, ginawa nilang super special ang pelikula kumpara sa mga naunang “Magic Mike” film.

“What we’ve done with these films, this one especially, is give audiences all the pure fun of watching these amazingly talented dancers perform, but also used dance as a sort of Trojan horse to sneak in other ideas,” sey ng direktor.

Ibinahagi rin mismo ni Channing kung ano-anong pasabog ang kanilang idinagdag sa palabas bilang siya rin ang nagsisilbing producer ng pelikula.

Paliwanag ng aktor, “The first movie was about Mike realizing, ‘I need to figure out what I’m doing with my life.’ The second one put these guys on a pedestal and let them flesh out their characters, but it was still really about these men. Since then, women in films have become more open, more conversational about what they want, and we’ve also created the live show.”

Aniya, “What we learned doing that made us want to make this third movie and to really redesign what Magic Mike is. We wanted to put the best dancers in the world in the movie, and have a strong female lead who is pivotal to the story and as important as Mike in the plot.”

Ang istorya nito ay iikot sa pagpunta ng bida sa London kasama ang isang mayamang socialite para sa kanyang huling performance.

Makakatambal ni Channing sa pelikula ay ang Mexican-American actress na si Salma Hayek Pinault.

Bukod sa kanila, tampok din sina Ayub Khan Din, Jamelia George, Juliette Motamed at Vicki Pepperdine.

Matatandaang taong 2012 nang unang nirelease ang “Magic Mike” at sumunod diyan ang “Magic Mike XXL” na ipinalabas noong 2015. 

Related chika:

Balitang pumanaw na si Mike Enriquez…fake news: ‘Buhay na buhay pa ‘ko’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Channing Tatum muling magpapainit sa finale ng ‘Magic Mike’, naglabas na ng trailer

Boy Abunda nakipag-usap kay Mike Enriquez matapos pumirma ng kontrata sa GMA; nanawagan kina Heart at Marian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending