Basher na nagpapakalat ng fake news tungkol sa anniversary concert ni Toni sinupalpal ni Alex
SINAGOT ng controversial actress-TV host na si Alex Gonzaga ang chika na binili ng kanyang inang si Mommy Pinty ang daan-daang ticket para sa 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga.
In fairness, talagang pinag-usapan sa social media at ng madlang pipol ang concert ni Toni na ginanap sa Araneta Coliseum last January 20.
Sa isang TikTok video, ibinandera ni Alex ang pagiging proud sister dahil nga sa kabila ng ilang isyu na kinasangkutan ng concert ni Toni para sa ika-20 anibersaryo niya sa showbiz, ay na-soldout pa rin ito.
Ipinost ni Alex ang video kung saan mapapanood ang ilang kaganapan sa naturang soldout concert. Tila nais niyang ipamukha sa publiko na punumpuno ang Araneta nu’ng gabing yun.
Samantala, sinagot din ni Alex ang fake news na kumalat sa social media na hindi napuno ni Toni ang Big Dome sa kabila raw ng pamimigay ng libreng ticket ng mga producer ng show.
View this post on Instagram
Isang netizen ang nagkomento sa TikTok video ni Alex na kaya lang daw napuno ni Toni ang Araneta dahil bumili raw ni Mommy Pinty ng 500 tickets.
“Sold out ni mami pinty yung 500 tickets. Congrats mami Pinty napuno mo ang Araneta,” ang sabi ng basher.
Hindi naman ito pinalampas ni Alex at talagang sinagot ang netizen. Sana raw ay naroon siya sa Araneta Coliseum para nakita niya na hindi lang 500 seats ang okupado ng audience.
”Hindi lang ho 500 ang upuan sa Aranera para masabi sold out. Kung nakapunta na kayo du’n alam niyo na dapat yan hehe,” ang pahayag ng vlogger.
Bago ang 20th anniversary concert ni Toni, nakatikim din ng matinding kontrobersya si Alex at talagang na-bash nang bonggang-bongga dahil sa pambabastos niya sa isang waiter.
Hanggang ngayon ay patuloy na bina-bash at inookray ang asawa ni Mikee Morada sa social media kahit pa nag-sorry na siya sa food server na si Allan Crisostomo na pinahiran niya ng cake sa mukha.
Related Chika:
Alex binasag ang b-day message ni Mommy Pinty: Tumawag ka pa para ipagmalaki mo sa ‘kin na ipinost mo ko sa IG!?
Alex Gonzaga binati sina Toni at Mommy Pinty: Continue to keep glowing as the years pass!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.