Catriona Gray muling nakita si Ne-Yo nang personal, inirampa ang lava walk | Bandera

Catriona Gray muling nakita si Ne-Yo nang personal, inirampa ang lava walk

Therese Arceo - January 24, 2023 - 03:11 PM

Catriona Gray muling nakita si Ne-Yo nang personal, inirampa ang lava walk
KILIG na kilig si Miss Universe 2018 Catriona Gray nang muli silang magkasama ni Ne-Yo sa stage sa ginanap na concert nito kahapon, January 23.

Kalat na kalat nga sa social media ang video clip ng kanyang pagpa-fangirl sa American R&B superstar.

Kitang kita sa naturang mga video na labis ang nadaramang saya ni Catriona dahil nakita niya ito ulit lalo na’t isa rin ito sa mga happy moments na binabalik-balikan ng dalaga sa kanyang Miss Universe 2018 journey.

Bukod sa video sa social media ay nag-post ring ang beauty queen sa kanyang Instagram account patungkol sa kanyang naging concert experience.

Pagbabahagi ni Catriona, “Obviously had the best night ever last night at the @neyo concert in Manila! I actually watched him in concert in SM MOA back in 2010 [I’m] such a faaaan. Tapos backstage at MU2018, I was too shy to say hi.”

Aniya, noong magkaroon ng pagkakataon na makaakyat siya sa stage at mas makita upclose ang kanyang hinahangaang singer.

“Neyo asked for members from the audience to dance, syempre hindi ako dancer! But then everyone around me was pointing to me and, taking notice, one of the stage managers picked me to take me to the stage. Kinabahan ako tulooooy,” kwento pa ni Catriona.

Tuloy pa niya, “Pero ang alam ko….I can’t dance but I know how to WUAALLKKKK.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray)

Sa naturang viral video nga ay noong siya na ang kausapin ni Ne-Yo ay proud na proud na ibinahagi ng dalaga na nagsama na sila noon sa stage nang maging isa ito sa mga guest artists na nag-perform sa Miss Universe 2018.

“My name is Catriona and I actually walked with you in Thailand. I won Miss Universe,” all smiles niyang pagpapakilala sa singer na naalala naman siya.

At kahit hindi marunong sumayaw ay isang malupit at pamatay na lava walk nga ang ginawa ng beauty queen sa stage na ikinahiyaw ng audience.

Pinuri pa nga ni Catriona ang matagumpay na concert ni Ne-Yo na itinutiring niyang isa sa mga “highlight” ng kanyang taon.

“Fangirling aside, considering @neyo did a back to back show, the performances were incredible, the vocals were [hands up emoji]

A huge highlight of the year to witness him perform upclose! My fangirl heart is soooo happy!” sey ni Catriona.

Related Chika:
Catriona Gray kabilang sa mga magiging backstage commentator ng Miss Universe 2022

Bakit nga ba biglang umiyak si Catriona Gray sa backstage ng Miss Universe 2022 pageant, anyare?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Catriona Gray engaged na nga ba kay Sam Milby: Today made me the happiest!

Catriona Gray, Sam Milby ikakasal na nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending