Maymay Entrata may nakakaantig na mensahe sa kaarawan ng ina: Ikaw po ang pinakamalaking inspirasyon ko | Bandera

Maymay Entrata may nakakaantig na mensahe sa kaarawan ng ina: Ikaw po ang pinakamalaking inspirasyon ko

Pauline del Rosario |January 22,2023
facebook
share this

Maymay Entrata may nakakaantig na mensahe sa kaarawan ng ina: Ikaw po ang pinakamalaking inspirasyon ko

Pauline del Rosario - January 22, 2023 - 04:59 PM

Maymay Entrata may nakakaantig na mensahe sa kaarawan ng ina: Ikaw po ang pinakamalaking inspirasyon ko

PHOTO: Instagram/@maymay

MARAMING netizens ang naantig sa birthday message ng actress-model na si Maymay Entrata para sa kanyang nanay na si Lorna.

Sa Instagram ay ibinandera ni Maymay ang litrato nilang dalawa.

Ayon sa aktres, ang nanay niya ang dahilan kaya nalampasan niya ang mga pagsubok na hinarap sa buhay.

“Happy Birthday mama , ikaw po ang pinakamalaking inspirasyon ko kung bakit nalalampasan ko bawat pagsubok bilang isang breadwinner,” sabi sa caption.

Patuloy pa niya, “ Inay kita pero ikaw pa yung nahihiyang humingi ng tulong mula sa akin.”

“Kaya mas lalo akong ginaganahang ibigay po sayo lahat kasi na appreciate mo po lahat ng pinaghirapan ko,” aniya.

Mababasa pa sa post ni Maymay ang walang katapusang pasasalamat niya sa Diyos dahil binigyan siya ng isang ina na katulad ni Mommy Lorna.

“Wala sa katiting ang pinaghirapan ko sa pinagdaanan mo ma, kaya habang buhay ako saludo at nagpapasalamat sa Panginoon na may ina/ama akong tulad mong mapagmahal, malakas ang loob at mapagpatawad. Mahal na mahal kita ma, Happy Birthday,” lahad niya sa IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

Libo-libong fans ni Maymay ang naki-happy birthday sa kanyang ina, pati na rin ang ilang malalapit na kapwa-artista.

Kabilang na riyan ang “Pinoy Big Brother” big winner na si Nene Tamayo, aktres na si Loisa Andalio, at si Miss Supranational 2013 Mutya Datul.

Related chika:

Taylor Swift big winner sa MTV Europe Music Awards; Maymay Entrata talo sa K-pop boyband

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maymay Entrata may pasabog na bagong ‘single’, kabogera sa music video

Maymay Entrata ‘kabogera’ sa MTV Europe Music Awards

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending