Maymay Entrata may pasabog na bagong ‘single’, kabogera sa music video | Bandera

Maymay Entrata may pasabog na bagong ‘single’, kabogera sa music video

Pauline del Rosario |October 21,2022
facebook
share this

Maymay Entrata may pasabog na bagong ‘single’, kabogera sa music video

Pauline del Rosario - October 21, 2022 - 10:44 AM

Maymay Entrata

PHOTO: Instagram/@maymay

HINDI talaga pakakabog ang multimedia star na si Maymay Entrata pagdating sa kantahan.

Ilang linggo kasi matapos i-anunsyo ang kanyang nominasyon sa “MTV Europe Music Awards” ay inilabas naman niya ang kanyang pasabog na bagong single!

Pinamagatan itong “Puede Ba” na tampok ang isa pang pinay singer na si Viktoria.

Bukod sa mapapaindak ka sa kanta, muling nagpakitang gilas ang Kapamilya star sa kanyang “high notes.”

Siyempre dahil diyan, proud na proud naman ang kanyang fans at heto ang ilan sa mga komento na aming nabasa.

“Yay! I love it!!! Galing ng birit mo Maymay! Hit na naman for sure!”

“Maymay stand out talaga ang boses mo…gustong-gusto ko boses mo…sarap pakinggan talaga.”

“Maymay super galing talaga ng boses mo, di me pinatulog sa ganda ng boses mo…”

“May Isa na naman akong collection sa playlist ko grabe Galing maymay.”

Ngayong araw, Oct. 21, nang madaling araw inilabas ang single, habang mamayang 7:00 p.m. naman mapapanood ang music video ng “Puede Ba.”

Sa pasilip ng music video, aba, lumabas ang pagiging kabogera ni Maymay na “all out” mula sa kanyang mga bonggang costumes at hataw na dance moves.

Huling naglabas si Maymay ng kanta noong nakaraang taon na pinamagatang “AMAKABOGERA,” at “Di Kawalan.”

Naging hit song ang “AMAKABOGERA” at dahil diyan ay naging nominado ang Kapamilya star sa MTV EMA bilang “Best Asia Act.”

Kalaban niya sa monimasyon ang ilang artists na mula sa Indonesia, South Korea, Japan at Thailand.

Read more:

Maymay Entrata ‘kabogera’ sa MTV Europe Music Awards

Maymay Entrata kering-kering lumaban sa Bb. Pilipinas at Miss Universe PH, pero…

Maymay Entrata: Kung sinasabi nilang grounded ako, mas naging humble pa ako ngayon…mas nakilala ko pa ang sarili ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending