Maymay Entrata: Kung sinasabi nilang grounded ako, mas naging humble pa ako ngayon...mas nakilala ko pa ang sarili ko | Bandera

Maymay Entrata: Kung sinasabi nilang grounded ako, mas naging humble pa ako ngayon…mas nakilala ko pa ang sarili ko

Ervin Santiago |July 11,2022
facebook
share this

Maymay Entrata: Kung sinasabi nilang grounded ako, mas naging humble pa ako ngayon…mas nakilala ko pa ang sarili ko

Ervin Santiago - July 11, 2022 - 02:25 PM

Maymay Entrata

SA kabila ng kanyang kasikatan bilang isa sa mga pambatong young actress at singer ng ABS-CBN, nananatili pa ring humble at down-to-earth si Maymay Entrata.

Marami-rami na ring napatunayan ang dalaga mula nang manalo siyang Big Winner sa isang edisyon ng “Pinoy Big Brother” pero ni minsan ay hindi umabot sa kanyang utak ang tinatamasang kasikatan.

Kuwento ng dalaga, noong kasagsagan ng pandemya at walang pinagkakaabalahang trabaho ay napakarami niyang natutunan sa kanyang sarili.

“Sobrang nakatulong sa akin kasi talagang kung tinatawag nila na grounded na ako, mas naging humble pa ako.

“Mas nakilala ko yung sarili ko, mas natuklasan ko kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay ko at yun yung importante talaga,” pahayag ni Maymay sa ginanap na virtual mediacon ng Star Magic para sa kanilang US tour ngayong darating na August.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)


Pagpapatuloy ng aktres, “Minsan kailangan kasi natin ng break para mas klaro sa ‘yo kung ano yung gusto mong makamit sa buhay.

“At ngayon talagang very thankful ako sa Panginoon kasi hinahanap ko yung purpose ko muli, yung ano yung gusto kong mangyari sa buhay ko at kung saan ang nakakapagpasaya sa buhay ko kahit hadlang man yan sa ibang tao,” paliwanag ni Maymay.

Samantala, nagkuwento rin ang dalaga sa pagpunta niya sa Canada ilang buwan na ang nakararaan, “Yung pag-aaral ko hindi yun as performer pero nagse-session din ako kahit paano kung makasingit ako.

“More like acting yun kasi since yun talaga yung field na sobrang hirap na hirap ako. Alam ninyo, lagi kong sinasabi sa inyo sa mga interview. Kaya yun yung pinag-aralan ko.

“Talagang makukuha mo yung pagiging confident mo sa sarili mo kapag talagang sinisipagan mo at pinag-aaralan mo. Parang lagi ka talagang handa.

“Kasi yun yung pinaka nahirapan ako, yung i-embrace ko yung sarili kong magic. At sa tulong ng Star Magic nahanap ko yun,” aniya pa.

At para naman sa kanyang loyal fans, marami raw pasorpresa ang ABS-CBN at si Maymay sa mga susunod na buwan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nagpo-focus talaga ako ngayon sa pag-pe-perform at may bagong album na talaga namang kabogera din. Kasi isa talaga sa nagustuhan ko sa pag-pe-perform, hindi ka lang kasi dito nag-pe-perform sa Pilipinas kundi magbibigay din ng saya sa iba’t ibang sulok ng mundo. So ayun, excited talaga ako,” pahayag ni Maymay.

Maymay: Kahit ano’ng gawin mo na maging mabait at perpekto lagi silang may masasabing mali

Maymay may pa-dyowa reveal sa mismong Valentine’s Day: Happy birthday my Valentino!

Maymay Entrata unti-unti nang ine-expose ang non-showbiz BF: Buti napilit ko pa siyang mag-TikTok…miss you, mahal!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending