Carla Humphries umamin na sa tunay na relasyon nila ni Wil Dasovich, binalikan ang unang pagkikita | Bandera

Carla Humphries umamin na sa tunay na relasyon nila ni Wil Dasovich, binalikan ang unang pagkikita

Ervin Santiago |January 18,2023
facebook
share this

Carla Humphries umamin na sa tunay na relasyon nila ni Wil Dasovich, binalikan ang unang pagkikita

Ervin Santiago - January 18, 2023 - 09:44 AM

Carla Humphries umamin na sa tunay na relasyon nila ni Wil Dasovich, binalikan ang unang pagkikita

Carla Humphries

SA WAKAS, inamin na rin ng aktres na si Carla Humphries ang tunay na estado ng relasyon nila ng content creator na si Wil Dasovich.

Gumawa pa talaga siya ng vlog para ibandera sa madlang pipol kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila ng ex-partner ng cosplayer at social media influencer na si Alodia Gosiengfiao.

Sey ng Kapamilya actress, marami nang nangungulit sa kanya na umamin na sa real score sa kanila ni Wil dahil base sa kanilang mga sweet photos sa socmed, mukhang in love na in love na nga sila sa isa’t isa.

Kaya naman nagdesisyon na siyang magsalita sa pamamagitan ng isang video na mapapanood sa kanyang YouTube channel na may pamagat na, “Dear Wil, may aaminin ako…” kung saan ibinahagi niya ang tunay nilang relasyon.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbahagi ng isang open letter vlog si Carla kaya naman masasabing talagang napakaespesyal ni Wil sa kanyang buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wil Dasovich (@wil_dasovich)


“Since everyone has been wondering what we mean to each other, I figured I should tell you in my own words,” ang nakalagay na description sa kanyang latest YouTube video.

“I met you, Wil, the year you moved to Manila from the States. It was at a friend’s birthday, and you were a hyper dude bouncing off the walls, eager to make your presence felt and make your mark in the world,” unang pagbabahagi ni Carla.

Aniya pa, “Looking back at all our adventures, you’ve been extremely instrumental in me reintroducing myself into the world.”

Ayon pa sa aktres, na-witness niya ang ilang highlights sa personal at professional life ni Will, mula sa pagiging isa sa kauna-unahang vlogger sa Pilipinas, ang pagsali nito sa isang reality TV show, pati na ang pagkakaroon niya ng cancer at kung paano niya ito nilabanan hanggang sa gumaling.

View this post on Instagram

A post shared by Wil Dasovich (@wil_dasovich)


Si Wil din ang naging inspirasyon niya sa paggawa ng sariling YouTube channel kung saan niya naibabahagi ang mahahalagang kaganapan sa kanyang buhay at career.

“You encouraged me to speak my mind, and you helped me squash all my doubts and fears about content and creation, and that is a priceless gift,” aniya.

At tungkol naman sa pamilya ni Wil na nakilala na rin niya ilang buwan na ngayon ang nakararaan, “I genuinely like them as people, they’re awesome.”

Sa huli, sinabi ni Carla kung gaajo kahalaga sa buhay niya si Wil — as a friend, “Thank you for all the videos, Beshy.”

Last year nagsimulang ma-link ang dalawa sa isa’t isa nang kumalat sa socmed ang mga sweet photos nila together sa Urban Lights sa Los Angeles, California.

Will Dasovich may ‘pa-meet the parents’ kay Carla Humphries: Huwag kang maarte and it should be OK…

Alodia Gosiengfiao, Wil Dasovich naghiwalay na: Wala na kame!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie pinatunayang hindi gahaman at uhaw sa kapangyarihan; Will To Play may bonggang pasabog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending