Will Dasovich may 'pa-meet the parents' kay Carla Humphries: Huwag kang maarte and it should be OK... | Bandera

Will Dasovich may ‘pa-meet the parents’ kay Carla Humphries: Huwag kang maarte and it should be OK…

Ervin Santiago |July 18,2022
facebook
share this

Will Dasovich may ‘pa-meet the parents’ kay Carla Humphries: Huwag kang maarte and it should be OK…

Ervin Santiago - July 18, 2022 - 11:18 AM

Carla Humphries at Wil Dasovich

MUKHANG seryosohan na nga ang relasyon ngayon ng sikat na vlogger na si Wil Dasovich at ng rumored girlfriend niyang si Carla Humphries.

Ipinakilala na kasi ni Wil ang dalaga sa kanyang parents recently base na rin sa inilabas niyang vlog sa YouTube vlog nitong nagdaang Sabado, July 16.

May titulong “Reaksyon ng Magulang sa Babaeng Inuwi ko!! (SURPRISE INAY!),” mapapanood dito ang kauna-unahang pagkikita ni Carla at ng family ni Wil.

Sa nasabing video, mapapanood na bago pa sila magpunta sa bahay ni Wil ay ipinakilala muna ng binata si Carla sa kapatid nitong si Haley Dasovich. At mukhang botong-boto naman ito sa dalaga.

Habang nasa sasakyan na ang rumored couple patungo sa bahay ng mga magulang ni Wil, inamin nito kay Carla na hindi niya sinabi sa mga ito na darating sila.

Dito, mas lalong kinabahan ang aktres, “What are they gonna think? Baka i-judge ako ng ano, like kababae kong tao nagpupunta ako sa bahay ng lalaki.”

Hirit naman ni Wil, “What’s wrong with that? We’re not gender racists, sexists. So, just be yourself, show up your good attitude. Huwag kang maarte and it should be okay.”

Sey ni Carla sa kanya, “I’m actually so nervous na pupunta ako sa bahay niyo. Bakit mo ba naisip na i-invite ako?”

“Para masaya,” sagot agad ni Wil sa kanya. “If you’re a really good friend, you’re welcome at our household anytime. You just have to deal with the awkwardness at the beginning and then it will go away after.”

Read more: https://entertainment.inquirer.net/457132/watch-wil-dasovich-introduces-rumored-gf-carla-humphries-to-his-parents#ixzz7ZMIZYBHc
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

 

Read more: https://entertainment.inquirer.net/457132/watch-wil-dasovich-introduces-rumored-gf-carla-humphries-to-his-parents#ixzz7ZMIZYBHc
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Kitang-kita sa vlog ni Wil na ninenerbiyos nga si Carla lalo na nang makita na nito ang nanay ng binata na agad na sumalubong sa kanila. Niyakap nito si Carla at mainit na winelkam sa kanilang tahanan.

Nang makapasok na sa bahay ay iniabot na ni Carla ang kanyang pasalubong sa nanay ni Wil.

Niregaluhan din ng aktres ang tatay ng binata ng isang kahon ng beer. Ito kasi ang payo sa kanya ng sister ni Wil na si Haley nang tanungin niya kung ano ang pwede niyang ipasalubong dito.

Hirit naman kay Carla ng tatay ni Wil, “I’m so nervous to see you that I might be starstruck. I thought I’ve met you before because I’ve seen you so much.”

Tanong ni Wil sa kanyang magulang, “When I told you I’m bringing a friend over, did you know it was her?” Na sinagot naman ng “Yes” nina Charry and Steve Dasovich.

Sa kabuuan ng “pa-meet the parents” ni Wil, mukhang aprubado naman ang mga magulang niya kay Carla. Pinuri nila ang kagandahan, kabaitan at kasimplehan ng dalaga.

Matatandaang unang nabalita na may “something” na kina Wil at Carla noong Abril, 2022. Wala pang kumpirmasyong inilalabas ang dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon pero base sa napanood naming video — kailangan pa bang i-memorize yan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Wil ay dating boyfriend ng cosplayer at gamer na si Alodia Gosiengfiao.

Alodia Gosiengfiao, Wil Dasovich naghiwalay na: Wala na kame!

Wil Dasovich may sagot kay Alodia: Ako nga pala ‘yung sinaing mo

Vice Ganda handa nang magkaanak: I want to be a parent

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending