Pia Wurtzbach iniyakan ang eksena nang hindi magkasya ang isusuot na gown para sa Miss Universe 2015: ‘Sobrang nakaka-stress!’
SA unang pagkakataon, ibinahagi ng TV host-actress na si Pia Wurtzbach ang isang nakakalokang pangyayaring hinding-hindi niya makakalimutan noong makipaglaban siya sa Miss Universe 2015.
Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang pagkatalo ng kandidata ng Pililinas sa katatapos lamang na Miss Universe 2022 na si Celeste Cortesi. Hindi man lang kasi nakaabot sa Top 16 ng pageant ang dalaga.
Sa gitna nito, nagkuwento nga si Pia at binalikan ang ilang mahahalagang kaganapan noong rumampa siya sa naturang international pageant, kabilang na ang naging isyu sa kanyang evening gown.
Knows n’yo ba na muntik na siyang hindi makarampa sa preliminary competition ng pageant dahil sumablay ang isusuot sana niyang gown.
Sa panayam kay Pia ng celebrity doctor na si Vicki Belo, isang linggo na lang bago ganapin ang Miss Universe coronation night nang dumating ang gown na ipinadala ng Binibining Pilipinas Charities.
“It was a black and white gown. I am not sure where it came from, kung anong brand. But I remember it being a size bigger and bitin,” pag-alala ni Pia.
“Nasa hallway kami ng Planet Hollywood so may mga ibang tao doon. Doon ko na sinukat kasi they are so strict that you cannot bring your team with you to your room.
“So you have to do it na punta ka lang sa CR, palit ka tapos labas ka ulit. Nakikita ng ibang tao,” dugtong pa niyang kuwento.
Pagpapatuloy pa ng Kapamilya actress, “Sinukat na namin sa mezzanine and then bitin siya so hinila (ng isang team member ko) pababa, pero bumababa sa boobs.
“Hinihila ko pataas pero nabibitin naman sa baba. Stressed na ako. Sabi ko, ‘oh my gosh ito na ‘yun. Ilang taon ko pinaghirapan makarating (sa Miss Universe) tapos ito lang (ang mangyayari)? Naiyak ako doon sa mezzanine mismo,” pag-amin ni Pia.
Nawawalan na raw siya ng pag-asa that time, “I don’t know what to do, I’m stuck. I don’t have a gown and I don’t have anything prepared. And then I got a call from Madam (Stella Araneta). She goes, ‘Okay, you can wear whatever you want. Just make sure you win.’ So sabi ko yes, yes, yes.”
Kasunod nito, nagsimula nang maghanap ang kanyang glam team ng isusuot niyang gown sa preliminary competition dahil nga yung kanyang winning blue gown na gawa ni Albert Adrada ay hindi pa tapos.
“So, I wore Oliver Tolentino for the prelims, it was the red one. Pero alam mo even that gown, they had to pick it up from LA. I had one of my best friends drive to LA from Las Vegas, get the gown and then drive back.
“She got eight gowns from Oliver Tolentino just for me to try every gown to see kung ano ang puwede sa akin for the prelims,” aniya.
Yung gown naman niya para sa coronation night ay dumating lang sa Las Vegas tatlong araw bago ang competition.
“The flight kept getting delayed because of a typhoon here. When it arrived, I didn’t know what it was gonna look like. I just know the color.
“Nu’ng sinukat namin siya, dasal dasal kami kasi walang fitting eh. Thankfully nagkasya siya. Prinactice ko lang ‘yung gown sa hallway ng hotel. That’s it!” sey ni Pia.
Abot-langit daw ang pasasalamat ng dalaga noon dahil kahit maraming taong nakakita at nakaalam sa kanyang wardrobe problem ay hindi ito nakaabot sa media at hindi na kumalat pa.
Si Pia ang ikatlong Filipina na nakapag-uwi ng Miss Universe crown sa bansa, una si Gloria Diaz at sinundan ni Margie Moran. Si Catriona Gray naman ang ikaapat.
Pia Wurtzbach muling nagbilad ng kaseksihan sa Greece, pinaapoy ang socmed: ‘Grabe naman!!!’
Pia Wurtzbach nagpakabaliw dahil sa lalaki, kinalimutan ang pamilya at career
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.