Pia Wurtzbach nagpakabaliw dahil sa lalaki, kinalimutan ang pamilya at career Bandera

Pia Wurtzbach nagpakabaliw dahil sa lalaki, kinalimutan ang pamilya at career

Ervin Santiago |March 17,2021
share this

Pia Wurtzbach nagpakabaliw dahil sa lalaki, kinalimutan ang pamilya at career

Ervin Santiago March 17, 2021 - 05:32 PM

IPINAGPALIT ni Pia Wurtzbach ang kanyang pamilya at career para lang sa isang lalaking sobra-sobra niyang minahal at pinag-aksayahan ng panahon noon.

Ayon sa beauty queen-actress, nagmistula siyang isang manikang de-susi na naging sunud-sunuran sa lahat ng gustuhin ng isa sa dati niyang naging boyfriend.

Talagang kinalimutan niya ang sarili pati na ang kanyang pamilya at mga kaibigan nang dahil lang sa dati niyang nakarelasyon.

Ayon sa ating Miss Universe 2015, totoong naging isa siyang “Yes Girl” noon at nangyari ito bago siya sumabak sa mga beauty pageant.

“I had a relationship before where mas pinili ko ‘yon kesa yung trabaho ko, kesa yung career ko. Mas pinili ko siya kesa hanging out with friends. Mas pinili ko siya kesa sa spending time with family,” simulang pahayag ni Pia sa podcast ng “Between Us Queens,” kung saan napag-usapan nga ang kanilang “crazy breakup stories.”

Patuloy pa niya, “Before this whole pageant thing, before Miss Universe, before Binibini, I was a very different person. Under ako noon sa lalaki. Yung parang kung ano yung sabihin niya, ‘yon ang masusunod.

“Hindi ako lalaban kahit alam kong mali. I didn’t really have a voice. So, I was that kind of girl. I was very submissive,” lahad pa ng dalaga.

“I gave up my career, I stopped doing the jobs that I was doing, which also meant I didn’t have an income. So, I had nothing,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa niya, “Alam mo yun, kapag hindi siya aprub du’n sa girl friends mo, sa barkada mo, parang di ka na rin sasama.

“He kinda became, like, the boss of me of everything. And then, pagka meron siyang hindi gusto sa mga decisions ko, siyempre siya ang nasusunod,” pag-amin pa ng dalaga na hindi na binanggit pa ang pangalan ng guy.

“And I just remember feeling so lost. And, like, I didn’t have a voice anymore and parang walang identity,” sabi ni Pia.

Ang kapatid daw niyang si Sarah Wurtzbach ang nagsabi sa kanya na tigilan na niya ang pakikipagrelasyon niya sa lalaki, “One day, I just woke up and I realized I didn’t want this anymore. Ganu’n.

“I had to ask a friend if I could sleep over muna for a few weeks until I found my way, kasi wala akong pupuntahan.

“I just remember packing whatever I could, getting into my friend’s car. And just having only P100 in my wallet.

“Wala akong pera. Wala akong trabaho. As in wala lahat. And I had to rebuild myself again from zero,” pagbabalik-tanaw pa ng beauty queen.

“After that, that was a big learning experience for me, na hindi pwedeng Yes Girl tayo palagi. May mali din ako for sure kasi I let it happen.

“Totoo yung sinasabi nila na mahalin mo nang mahalin hanggang sa mapagod ka. Ibuhos mo na lang hanggang ikaw na mismo sumuko ka na. And that’s what happened to me.

“I gave it everything, all of my time, my efforts, my heart. And then, napagod ako. One day, I just woke up and then I left,” pahayag pa ni Pia na maligaya na ngayon sa piling ng kanyang Scottish travel entrepreneur boyfriend na si Jeremy Jauncey.

 

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending