Pia Wurtzbach muling nagbilad ng kaseksihan sa Greece, pinaapoy ang socmed: 'Grabe naman!!!' Bandera

Pia Wurtzbach muling nagbilad ng kaseksihan sa Greece, pinaapoy ang socmed: ‘Grabe naman!!!’

Ervin Santiago |July 20,2022
share this

Pia Wurtzbach muling nagbilad ng kaseksihan sa Greece, pinaapoy ang socmed: ‘Grabe naman!!!’

Ervin Santiago - July 20, 2022 - 12:52 PM

Pia Wurtzbach

NAPA-WOW at napanganga na naman ang mga netizens at fans ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa bumanderang latest bikini photos niya sa social media.

E, kasi nga naman, pasabog kung pasabog pa rin ang kaseksihan ng aktres at beauty queen habang rumarampa sa pagbabakasyon niya sa Greece.

Muling pinaapoy ni Pia ang Instagram dahil sa sandamakmak na fire emojis sa comments section ng mga bago niyang swimsuit photos na kuha nga sa isang napakagandang lugar sa Milos, na isang volcanic Greek Island sa Aegean Sea.

Makikita sa mga nasabing litrato ang Kapamilya actress at TV host ang kanyang kaseksihan with her printed bikini habang umaakyat at bumababa sa hagdan ng isang luxury lodge sa Milos.
Aniya sa caption, “You’re my golden hour.

“The color of my sky…

“You set my world on fire…

“And I know, I know everything’s gonna be alright.”

Libu-libong likes, comments at shares ang nahakot ng sexy photos ni Pia hindi lang mula sa kanyang mga supporters kundi maging sa mga kaibigan niya sa showbiz.

Sey ng celebrity photographer na si BJ Pascual, “Grabe naman!!!!”

Hirit ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago, “Grabeeeeee!”

Komento ni Binibining Pilipinas International 2014 Bianca Guidotti, “Ang ganda po.”

“Dapat pala ganyan hahaha pahiram swimsuit!” ang birong komento naman ng kapatid ni Pia na si Sarah.

Kasama ni Pia na nagbakasyon sa Greece ang kanyang fiancé na si Jeremy Jauncey. After two years of being together as couple, ibinandera na nga nila last May sa buong universe ang kanilang engagement.

Pero until now, wala pang inilalabas na announcement ang engaged couple tungkol sa detalye ng kanilang kasal at kung kailan ito mangyayari.

Pia Wurtzbach nagpakabaliw dahil sa lalaki, kinalimutan ang pamilya at career

Pasabog na bikini photos ni Rabiya pinagpiyestahan; Instagram account biglang ‘nag-apoy’

Heart nagbilad ng kaseksihan sa beach: Mukha kang ‘angel mermaid’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending