'Pagkalalaki' ni Jerald pinagtripan ni Kim; Dimples Romana sumakit ang panga sa katatawa sa 'Girlfriend Na Pwede Na' | Bandera

‘Pagkalalaki’ ni Jerald pinagtripan ni Kim; Dimples Romana sumakit ang panga sa katatawa sa ‘Girlfriend Na Pwede Na’

Reggee Bonoan |January 17,2023
facebook
share this

‘Pagkalalaki’ ni Jerald pinagtripan ni Kim; Dimples Romana sumakit ang panga sa katatawa sa ‘Girlfriend Na Pwede Na’

Reggee Bonoan - January 17, 2023 - 07:45 PM

'Pagkalalaki' ni Jerald pinagtripan ni Kim; Dimples Romana sumakit ang panga sa katatawa sa 'Girlfriend Na Pwede Na'

Jerald Napoles at Kim Molina

EVER since naman kapag pelikula ng magkarelasyong Jerald Napoles at Kim Molina ay wala kaming question dahil tiyak na tatawa nang tatawa ang lahat ng manonood sa kanila bonus pa kapag mahusay ang direktor.

Tulad nitong latest movie nilang “Girlfriend Na Puwede Na” na idinirek ni Benedict Mique na nakilala sa mga pelikulang “ML” (Martial Law) nina Tony Labrusca at namayapang si Eddie Garcia; “Momol Nights” with Kim Molina and Kit Thompson at iba pa.

Kasama ni direk Bene (pet name niya) sina Noreen Capili at Aya Anunciation na sumulat ng “Girlfriend Na Puwede Na” at tinanong namin kung sino ang peg niya sa kuwento. Pero tinawanan lang kami habang sinusulat namin ito dahil sabi namin ay napaka-naughty ng kuwento.

Aliw ang mga eksenang pinagnanasahan ni Kim si Jerald dahil sa malaki nitong “pag-aari” na napapanaginipan niyang hawak-hawak niya ito. Naisip namin na ito siguro ang dahilan kaya ang ibinigay na rating ng MTRCB dito ay R-13.

Bukod pa rito may eksena rin si Kim na hawak ang remembrance sa kanya ni Jerald na wooden penis ashtray nang maghiwalay sila. Natutulala ang dalaga habang iniisip niya ang binata at hinihimas niya ang ashtray.

Lukang-luka rin kami dahil sa mga linyang ginamit ng KimJe na feeling namin ay adlib na nila dahil may eksenang nasa background si direk Benedict kasama ang panganay niyang babae na sinabayan niya ng takip ng tenga. Ha-hahaha!

Iba talaga ang mga artistang lumalabas din sa treatro, ang gagaling umarte at iba kung magbitaw ng mga linya, ibang-iba!

Kaya pansin na pansin ang co-actors nina Kim at Jerald kapag hindi magagaling umarte dahil nasama sa kanila, good thing nakasabay naman ang ibang co-stars nila tulad nina Thomas Rodriguez, Heart Ryan, Nicole Omilio, Prince Stefan, Andrea Barbierra at Gab Lagman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jerald Napoles (@iamjnapoles)


Samantala, masayang marinig muli ang reaksyon ng mga taong nanood ng “Girlfriend Na Puwede Na” sa ginanap na premiere night nito sa SM Megamall Cinema 2 nu’ng Lunes, Enero 16, dahil nga sa mga witty lines at eksenang naughty at kinky nina Jerald at Kim.

Kaya naman tuwang-tuwa rin si Jerald sa reaksyon ng tao sa premiere night.

Post ng aktor sa kanyang Facebook account, “The cinema was filled with laughter almost the whole time. Hindi halos marinig ang next lines sa saya nang mga tao.

“Seeing it for the first-time, nahuli ko sarili ko nakangiti the during the whole movie, naririnig ko si Dimples Romana na nagrereklamo sa sakit na nang pisngi at panga. Ang gago at ang honest pala nang movie na to. Nakakamiss rin yung maraming kasabay tumawa sa sinehan.

“Anyway maraming salamat sa lahat nang dumalo, isang aya lang game agad. Dami rin bagong friends. Asking their reactions and them saying we did a great job and the movie is good, is enough to give ourselves a pat on the back. Congrats KS Em napakagaling mo.

“Pagaling ka nang pagaling halos di ka na siguro magkakasakit!! Pati si brother gloc-9 napa message sa tuwa! Maraming Salamat direk Benedict Mique sa collaboration at pagtitiwala.. game na uli ! Hehe.

“Thank you to our VIVA Films family boss Grace del Rosario for always giving us more chances of winning ! congrats to everyone! #GirlfriendNaPwedeNa showing tomorrow January 18 in cinemas !! Lezzgow,” aniya.

Anniversary hugot ni Jerald kay Kim: Ang fried chicken sa plain rice, ang wasabi sa sashimi…ngayon lang ako nakumpleto nang ganito

Kim Molina, Jerald Napoles payag bang mag-frontal nudity sa halagang P5-M?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jerald, Kim dedma muna sa kasal: Kailangan muna naming maka-survive

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending