Mga nanay bumilib sa tapang ni Trina Candaza bilang single mom: ‘Grabe ka, nakakaiyak ang nangyari sa ‘yo’
ABOT-ABOT ang pasasalamat ni Trina Candaza, ex-partner ni Carlo Aquino at nanay ng anak nilang si Enola Mithi, kay Ogie Diaz dahil biglang nag-shoot up ang mga orders sa kanyang negosyo.
Nakuha ni Trina ang simpatiya ng netizens nang mapanood ang panayam nito sa “Ogie Diaz Inspires” YouTube channel nitong Linggo na kasalukuyang may 1.4 million views na.
Base sa tsikahan namin ni Ogie, “Tumawag si Trina at super thank you siya kasi inaabot na raw sila ng madaling araw para magre-pack ng orders ng pabangong binebenta niya online.
“Nakakatuwa kasi kahit paano nakatulong tayo sa hanapbuhay niya. Sabi ko nga, ‘mas marami ka pang blessings na matatanggap, dadami pa ‘yan kasi maraming sumusuporta sa ‘yo,” sabi sa amin.
Oo nga, wala kaming nabasang negatibong komento sa thread ng YT channel ni Ogie at karamihan sa kanila ay pinupuri siya sa pagiging mahinahon at matalino lalo na sa pagbibitaw ng mga salita.
Nasambit din sa amin ni Ogie, “Marami ngang na-edit doon kasi kapag may tanong ako, hahawakan niya kamay ko sabi niya, ‘Papa Ogs, ‘wag na po ‘yang tanong na ‘yan, please.’ Ayaw niyang mapasama si Carlo sa anak nila, naglabas lang siya ng saloobin, may mga kinlaro lang siya.”
Natanong namin kung binanggit ba ni Trina off-camera kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Carlo.
“Hindi, eh. Siguro ayaw na niyang ipamalita pa, siguro within their family na lang. Hindi na rin ako nangulit kasi di ba, tinanong ko na, hindi sinagot, so, ayaw niya. Kaya hinayaan ko na,” sagot sa amin ng talent manager at content creator.
Obserbasyon naman ng ilang nakapanood, “Kitang-kita na disenteng babae si Trina at kita mo nagbihis pa rin hindi niya ipinakitang sobra siyang kawawa. May iba kasi kapag nagpapa-interview pinapahalatang aping-api sila. Nakakahinayang lang na umabot sa ganu’n ang relasyon nila ni Carlo.”
View this post on Instagram
Samantala, nagsabi pala si Ogie kay Carlo na mai-interview niya si Trina at open ang linya niya para rin sa panig ng aktor pero nagsabi raw ito ng, “Okay na ‘yun papa Ogs, wala akong sasabihin.”
Sabagay, nauna namang nagsalita si Carlo kaya lang naman sumagot si Trina para linawin ang pahayag ng aktor.
Narito ang mga nabasa naming komento ng netizens sa YT channel ni Ogie.
Sabi ni @Nina Eubanks, “As a first time mom, ang sakit na makita ang kapwa mo nanay na iiwan mag-isa to raise a child. Emotionally, mentally and physically ikaw lahat, ang hirap n’yan eh. I respect and admire you Trina for being such a strong woman. Nakakaiyak!!!”
Saludo rin si @Marlie Chiara Pasion, “Grabee nakaka admire ka Trina, and nakakaiyak ‘tong interview mo. I’m not a single mom and my husband is very responsible sa amin ng anak n’ya, and we know na sobrang nakakapagod mag-alaga ng bata while working. Panu pa kaya if single mom ka? Keep going Trina! Fighting!”
Tulad ng ibang nakapanood ay mega-iyak din si @Neighborly Lanito, “Ilang beses akong naiyak. You deserve someone worthy of your love miss Trina. Understands you ups and down. You are not toxic. Part ‘yan sa motherhood. Hindi talaga nila maiintindihan ang pinagdadaan ng mga babae before during and after manganak. All of us women na experience ‘yan. That is normal. Stay strong miss. Napaka-strong mo. You are part of our prayers. God bless abundantly.”
Pinuri naman ni @Maricar Hang , “Matalino ka Trina! Salute. Tama lahat ng bitaw ng salita. Walang nasagasaan, pero walng labis at walang kulang! Gusto ko ‘yung cinabi mong ‘para makapagdesisyon ka, tingnan mo lang anak mo at malalaman mo na kung anong dapat mong gawing desisyon!’ It only means sa kabila ng lahat, strong pa rin ang personality mo kc nagawa mong bumangon at mag shift gear! Very good and inspiring.”
Payo naman ni @Apple MyEnglish, “Let’s break the chain of staying in a relationship for the sake of giving our children a complete family. And stop blaming mothers for giving up. Everyone has their own limits and this should not be limited to men alone. You have no idea how much pain mothers have to endure just to give their children a complete family. We cry silently at night. Our thoughts are louder than anything else. Stop calling us TOXIC and CRAZY every time we get hurt, offended and betrayed by our partners just to invalidate our emotions.
Sa sinabi ni Trina na iniiwasan niyang magsalita ng masakit sa tatay ng anak niya dahil baka ito mabasa pagdating ng araw ay tiyak na malalaman naman ni Mithi ang buong nangyari kapag nabasa niya ang mga komento mula sa mga hindi kilalang tao.
Trina Candaza iniwan na ang bahay nila ni Carlo, lumipat sa condo kasama ang anak
Trina Candaza nakiusap sa netizens: Wag n’yo na po akong i-tag
Carlo Aquino pinayuhang dumulog sa korte para makasama ang anak kay Trina Candaza
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.