Hirit ni Herlene Budol: ‘Wag na nating ipilit, hindi tayo pang-Miss Universe, pangbardagulan lang tayo!
PATULOY ang paghikayat ngayon kay Herlene Budol ng kanyang fans at social media followers na mag-join na rin sa Miss Universe Philippines.
Ito’y matapos ngang matalo si Celeste Cortesi sa 71st edition ng Miss Universe na ginanap sa Amerika last Sunday. Hindi na umabot ang dalaga sa Top 16.
Nagpaabot ng mensahe si Herlene, na itinanghal na Binibining Pilipinas 2022 1st-runner up, para kay Celeste nang mabigo itong maiuwi ang korona sa Pilipinas.
Sey ng Kapuso star, “Celeste maganda ka pa din. We love you. Ako nga na budol eh.”
Ang “budol” na tinutukoy ng komedyana ay ang nangyari sa kanya sa Uganda kung saan siya ang naging bet ng bansa sa Miss Planet International 2022. Hindi na niya itinuloy ang kanyang laban dahil sa ilang isyu sa pageant.
Sa comments section ng Instagram post ni Hipon Girl, maraming netizens ang nangungumbinse sa kanya na sumali sa MUPH next year.
Pero ang sagot ni Herlene, “Wag nating ipilit di tayo pang-MU pang-bardagulan lang tayo doon tayo sa kung saan lang tayo bagay. Ano sa tingin n’yo?”
Nauna rito, nag-post din si Hipon Girl sa Facebook kung saan ibinahagi niya ang ilang pagkakapareho nila ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel na isang half-Filipina.
View this post on Instagram
Aniya, iisa ang fashion designer ng national costume at long gown nila ni R’Bonney kaya malaki ang pasasalamat niya sa kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino.
“Kaya thankful ako dahil asa tamang manager at handler napuntahan ko,” sey ni Herlene.
Reply naman sa kanya ni Wilbert, “Your Welcome Mima Herlene Hipon Budol. Siyempre ilalagay din kita sa right path para sa karera mo. Yung transpormasyon mo pa lang in just 3 months ay sobrang inspirasyon sa pangkalahatan.
“Sa pasarela at pagsagot ng Q&A ay bonggabels ka na don. Kaya salamat din sa Team KaFreshness & Kagandahang Flores. #KForever #KFamilia,” aniya pa.
Related Chika:
Herlene Budol hindi kumita sa mga naunang vlogs: Nakakalungkot lang isipin kasi kahit kani-kanino ako nagtiwala
Rabiya Mateo sa pagrampa sa Miss World PH: I’m not closing my doors…
Herlene Budol binabatikos ng mga netizens: I love the duality!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.