Deniece Cornejo bigo, inihaing motion for reconsideration sa bail grant ni Vhong ibinasura ng korte | Bandera

Deniece Cornejo bigo, inihaing motion for reconsideration sa bail grant ni Vhong ibinasura ng korte

Therese Arceo - January 13, 2023 - 08:44 AM

Deniece Cornejo bigo, inihaing motion for reconsideration sa bail grant ni Vhong Navarro ibinasura ng korte

HINDI nagtagumpay ang modelong si Deniece Cornejo dahil “denied” ang Motion for Reconsideration with Motion to Inhibit na inihain niya kaugnay ng bail grant ni Vhong Navarro.

Nitong Huwebes, January 12, naglabas ang Taguig City Regional Trial Court ng desisyon patungkol sa mosyon na isinumite ng kampo ng dalaga.

Matatandaang kamakailan lang nang napabalita na nais ni Deniece na ilipat ng korte ang kasong rape na isinampa niya laban sa komedyante at nais rin nilang i-reverse ang desisyon ng korte ng payagan itong makapagpiyansa sa kasong rape.

“When the public prosecutor does not give his or her conformity to the pleading of a party, the party does not have the required legal personality to pursue the case,” bahagi ng nakasaad sa order.

Ayon sa Taguig City RTC, “lack of merit” ang dahilan kung bakit ibinasura ang motion na inihain ni Deniece.

Ang naturang Order ay pirmado ni Presiding Judge Loralie Cruz Datahan.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni Deniece patungkol sa desisyon ng korte patungkol sa kanyang motion.

Samanatala, masaya naman ang kampo ni Vhong sa desisyon na inilabas ng Taguig City RTC at labis ang pasasalamat nito sa Panginoon.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Deniece at ng kampo nito patungkol sa desisyon ng korte.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

Related Chika:
Deniece Cornejo nagpetisyon na i-reverse ang bail grant ni Vhong Navarro

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo ng abogadong lolo ni Deniece sa kaso nila ni Vhong: Mag-settle na lang sila, at mag-move on…

#LabanKungLaban: Vhong Navarro, Deniece Cornejo muling maghaharap sa korte

Vhong Navarro hindi pinaboran ng korte, motion na manatili sa NBI facility nadenay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending