Rabiya Mateo nag-alay ng itlog para sa laban ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022: ‘5th crown na to for the country!!!’
MALAKAS ang feeling ng Kapuso TV host-actress na si Rabiya Mateo na maiuuwi muli ni Celeste Cortesi ang Miss Universe 2022 crown.
In fairness, todo-todo ang suportang ibinibigay ni Miss Universe Philippines 2020 sa bet ng Pilipinas na si Celeste Cortesi sa 71st edition ng nasabing international beauty pageant.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, talagang sinubaybayan ni Rabiya ang ginanap na Miss Universe 2022 preliminary competition sa New Orleans, Louisiana ngayong araw.
Matapang na nabanggit ng Kapuso star sa isa niyang Instagram Story, na siguradong si Celeste na ang magwawagi sa Miss Universe 2022.
Sey ni Rabiya, “5th crown na to for the country!!!!!”
View this post on Instagram
Apat na korona na ng Miss Universe ang naiuwi ng mga Pinay beauty queen nitong nagdaang 71 taon — sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).
Nag-post din sj Rabiya ng screenshot ng trending list sa Twitter kung saan sumunod siya kay Celeste sa listahan.
Pinag-uusapan din ngayon sa social media ang isa pang Instagram post ni Rabiya ilang araw na ang nakararaan. Ito yung litrato kung saan may itinaas na itlog ang beauty queen-actress.
Komento nga ng isa niyang IG follower “Ayan nag-alay na si queen ng itlog para sa laban ni queen Celeste.” Na sinagot naman ni Rabiya ng, “@dxnielrod yaaaaassss.”
Samantala, may mga nagtatanong naman kung bakit parang wala pa silang nakikitang post si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez tungkol sa pagrampa ni Celeste sa 71st Miss Universe.
Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi nahihiyang umamin noon na nagtrabaho bilang cashier, pero…
Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi may inamin tungkol kay Pia Wurtzbach, ano kaya yun?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.