Whamos Cruz ibinandera ang 'kambal' na si Whamsy | Bandera

Whamos Cruz ibinandera ang ‘kambal’ na si Whamsy

Therese Arceo - January 12, 2023 - 03:47 PM

Whamos Cruz ibinandera ang 'kambal' na si Whamsy

TAWANG-TAWA ang mga netizens matapos ibandera ng vlogger na si Whamos Cruz sa isang video ang kanyang “kakambal” na si Whamsy.

Talaga ngang mukhang pinagbiyak na bunga ang dalawa kaya hindi rin mapigilan ng madlang pipol ang maaliw sa dalawa.

Kahit nga si Whamos mismo ay natuwa matapos niyang makaharap si Whamsy dahil mas mas kamukha pa raw niya ito kaysa sa tunay niyang mga kapatid.

“Sobrang happy ako kasi may isang tao akong na kasama ko na kamukhang-kamukha ko talaga… nakakatuwa siya,” saad ni Whamos.

Dagdag pa niya, “Pasasayahin kita bago ka umuwi at kailangan pag-uwi mo sa pamilya mo nakangiti at kailangan may pasalubong ka sa kanila.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Whamoscruz (@masterwhamos)

Nagbigay nga ito ng cellular phone kay Whamsy para makatulong sa pggawa nito ng mga content online at P5,000 cash para sa pamilya nito.

Sa susunod raw na pagkikita nila ay ipagsha-shopping siya ni Whamos at bibilhan pa ng mas magandang cellphone.

Labis naman ang pasasalamat ni Whamsy sa content creator at sa taong naging daan para magkita silang dalawa.

“Unang una po sa lahat nagpapasalamat po ako kay kuya #Awitgamer KUNG hindi po dahil sa kaniya dahil marami na po sa akin nakikilala bilang #whamsy at hindi po dahil sa kaniya hindi po kami magtatagpo ni kuya Whamos maraming maraming salamat po sa taos-pusong nag susuporta sa akin sana hindi po kayo magsawang suportahan po ako mga Ka-Whamsy,” saad ni Whamsy.

Marami rin sa mga netizens ang natuwa at naaliw sa mga videos at suprise na ibinigay ng content creator kay Whamsy.

“I salute you Whamos. You’re such a kind hearted. God bless,” saad ng isang netizen.

Comment ng isa pa, “God Bless you idol you try to help everyone keep the good job and best wishes for your Baby. Thank you.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“God bless you always for being humble. Down to earth keep up always the good works,” sey pa ng isa.

Related Chika:
Whamos Cruz nag-ala Coco Martin; tinakpan ang mukha para hindi paglihian ng dyowa

Whamos Cruz ibinandera ang pagiging ama, hirit ni Xian Gaza: Huwag naman sana niyang maging kamukha

Whamos Cruz pumalag sa mga nanglalait sa pinamigay niyang food packs: Ang intensyon ko doon ay tumulong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending