Xian Gaza kinontra ni Irish Tan: OK lang makipag-live in...nabuntis nang maaga? Blessing yan, tanggapin mo' | Bandera

Xian Gaza kinontra ni Irish Tan: OK lang makipag-live in…nabuntis nang maaga? Blessing yan, tanggapin mo’

Ervin Santiago |January 12,2023
facebook
share this

Xian Gaza kinontra ni Irish Tan: OK lang makipag-live in…nabuntis nang maaga? Blessing yan, tanggapin mo’

Ervin Santiago - January 12, 2023 - 07:54 AM

Xian Gaza kinontra ni Irish Tan: OK lang makipag-live in...mabuntis nang maaga? Blessing yan, tanggapin mo'

Irish Tan at Xian Gaza

MULING humirit ang kontrobersyal content creator na si Irish Tan para kontrahin ang naging pahayag ni Xian Gaza tungkol sa isyu ng pakikipag-live in.

Pinayuhan kasi ni Xian ang mga kabataan ngayon lalo na ang mga Gen Z na hangga’t maaari ay huwag na huwag makikipag-live in sa murang edad.

Sabi ng social media personality, wala raw talaga itong magandang idudulot sa isipan at pagkatao ng mga batang pumapasok na sa seryosohang relasyon.

“Kung lumabas ito sa news feed mo at isa kang Generation Z, gusto ko lang sabihin sayo na kahit anong mangyari eh huwag na huwag ka makikipag-live in sa murang edad.

“Wala itong magandang maidudulot sa iyong isipan at pagkatao. It will do more harm than good. Kahit pa magkaanak kayo, huwag! May tamang panahon para diyan. Take it from a guy na nakipag-live in sa edad na 19,” ang pahayag ni Xian ni sa kanyang Facebook account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Irish Tan (@irishirishtan)


Pero hindi sang-ayon dito si Irish na niloko at ginamit lang daw ni Xian noong nagsasama pa sila bilang magdyowa.

Para kay Irish, walang problema sa pakikipag-live in basta’t may pahintulot ng magulang o gabay ng nakatatanda. Pero agad naman niyang nilinaw na hindi niya sinasabing tamang mabuntis nang maaga at makipag-live in.

“Kung lumabas to sa news feed mo at isa kang gen z gusto ko lang sabihin sa inyo na okay lang makipag live in.

“Hindi ko sinasabi na tama mabuntis ng maaga at makipag live. As long na may pahintulot ng magulang or gabay ng nakakatanda ay okay lang makipag live in,” ang ipinost ni Irish sa kanyang Facebook post nitong nagdaang January 10.

Dagdag pa niya, “Mabuntis ng maaga? Blessing yan, tanggapin mo. May tamang panahon para jan? E napaaga yung nakatakda sa yo, tanggapin mo bigay yan sayo ng lumalang satin.

“Blessing yan, hindi yan ibibigay sayo kung alam ng lumalang satin na hindi mo kaya.

“Hindi naman nasusukat sa edad ang lawak ng pag iisip natin at yung tinawag na maturity. Karamihan naman satin nakikipag live in din at nabubuntis. Napaaaga lang yung iba.

“Ang mahalaga, tamang gabay ng magulang, lawak ng pang unawa at higit sa lahat wag kang gagawa ng masama para sa salapi, wag mang scam, or mag nakaw.. from there giginhawa ang buhay mo at lalo ka pag papalain,” paliwanag pa niya.

Nalagay na naman sa alanganin si Xian Gaza dahil sa “Exclusive Tell-All Interview” sa kanya ng social media personality at content creator ding si Chino Liu o mas kilala bilang si Krissy Achino.

Dito, inamin ni Xian na ginamit lang niya si Irish, “Wala sa tamang hulog ang pag-iisip ko that time, nilalamon ako ng depresyon.

“Imagine pugante ako nagtatago ako sa Pilipinas dahil mayroon akong warrant of arrest tapos walang-wala ka sa buhay. So yung line of thinking ko that time hindi talaga tama.

“I cheated on her tapos ginamit ko rin siya, aminado ako,” pag-amin ni Xian.

Kasunod nito, nagbahagi ng kanyang pahayag si Irish sa pamamagitan ng isang video na ipinost niya sa Facebook. Bwelta niya kay Xian, “Inuto-uto mo ako, wala naman akong ibang mali dito. Ang mali ko lang ay nagmahal ako, naniwala ako sayo. Siguro may sira yung ulo ko hindi ko alam kung bakit nagtiwala ako sa yo.

“Nanggaling na sa bibig mo, ginamit mo ako. HIndi ko maisip kung saan mo hinuhugot yung sinabi mong minahal mo ako. Unang-una walang pagmamahal na naganap dito galing na nga sayo, ‘ginamit mo lang ako,'” sabi pa ni Irish.

Xian Gaza sinupalpal ng ex-dyowa: Hindi ka lang scammer, oportunista ka pa!

Cassy umaming dream partner si Alden; excited na sa pagiging bagong ‘baby’ ni Rhea Tan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mike Tan shocked pa rin sa pagkamatay ni Phillip Lazaro; inalala ang ‘nakakadiring’ eksena sa taping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending