Netizens gusto nang magpaampon kay Heart dahil kay Panda: 'Payag na rin akong maging pet mo!' | Bandera

Netizens gusto nang magpaampon kay Heart dahil kay Panda: ‘Payag na rin akong maging pet mo!’

Ervin Santiago - January 12, 2023 - 08:13 AM

Netizens gusto nang magpaampon kay Heart dahil kay Panda: 'Payag na rin akong maging pet mo!'

Heart Evangelista at Princess Panda

“AMPUNIN mo na ko!”, “Ako na lang ang alagaan mo, payag na ‘kong maging pet mo!”, “Iuwi mo na rin ako sa inyo, please!”

Ilan lamang yan sa mga panawagan ng mga social media followers ni Heart Evangelista matapos ibandera ang mga bonggang pasalubong niya para sa alagang aspin (asong Pinoy).

In fairness, talaga namang parang mga tao na rin kung ituring ng Kapuso actress ang mga alaga niyang hayop. Bukod sa kanyang pagmamahal at pag-aasikaso sa mga ito ay naglalaan pa siya ng budget for their daily needs.

Tulad na lang ng mga pasalubong niya sa kanyang pet dog na si Panda na umabot lang naman sa tumataginting na P65,000 na nagmula pa sa Paris at Japan.

Sa mga hindi pa masyadong aware, si Panda ay isa sa mga na-rescue na aso sa Nasugbu, Batangas na kanyang inampon at itinuring na ngang parang tunay na anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


At in fairness, may Instagram account din si Princess Panda o Maria Panda Ongpauco Escudero Princess Panda na may 63.2k followers na ngayon.

Sa kanyang latest post sa IG page ni Panda, ipinakita ni Heart ang mga regalo at pasalubong niya sa alagang aspin. Sabi sa caption, “Paris to Japan! Muna home and she got pasalubong!

“Mukhang Di na stress si mum! Dami pasabog salve. Charufff.” At may hirit pa si Panda na, “Mum, wag ka na magka anak sapat na kami.”

Sa nasabi ring post, makikitang may mga pasubong si Panda mula sa French department store na Le Bon Marché Rive Gauche habang ang kanyang pet clothes ay mula naman da Italian luxury brand na Gucci.

Base sa official website ng nasabing brand, ang blue and red cotton t-shirt na may strawberry design ay nagkakahalaga ng more or less P13,600 habang ang kanyang pet harness ay worth more than P26,000 at ang geometric waste bag holder ay may price tag na P25,198.

Bukod kay Panda at Shutiful, ang iba pang alagang aso ni Heart ay sina Yogi, Casper, Khaleesi, at Chico. Meron din siyang tatlong pusa, sina Mingning, Chuni, at Mina.

Noong 2018, sinimulan nina Heart at Panda ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) campaign na “Heart for Aspins” para mai-promote ang tamang pag-aalaga sa mga aspins.

Heart naloka nang lumafang ng ‘pupu’ ng pusa si Panda: ‘Yuck! Girl ha, hindi nakakasosyal!’

Rico Blanco payag maging housemate sa PBB season 10, pero may nakakalokang hirit ang pamilya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noynoy Aquino may request kay Mel Sarmiento para kay Kris: ‘Ibinilin ni Sir na alagaan ka’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending