Noynoy Aquino may request kay Mel Sarmiento para kay Kris: 'Ibinilin ni Sir na alagaan ka' Bandera

Noynoy Aquino may request kay Mel Sarmiento para kay Kris: ‘Ibinilin ni Sir na alagaan ka’

Reggee Bonoan |November 29,2021
share this

Noynoy Aquino may request kay Mel Sarmiento para kay Kris: ‘Ibinilin ni Sir na alagaan ka’

Reggee Bonoan November 29, 2021 - 08:21 AM

Kris Aquino at Mel Sarmiento

SADYA bang mahiyain ang dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na si Mel Senen Sarmiento o kapag kaharap lang ang kanyang fiancée na si Kris Aquino?

Kaya namin ito naitanong ay dahil kapag may mga hindi siya gustong komento mula sa netizens na against kay Kris ay sinasagot niya talaga pero mahinahon pa rin.

Anyway, sa latest post ni Kris sa kanyang Instagram account kung saan katabi niya ang kanyang fiancé ay masyadong matipid ang mga sagot ng dating public official simula umpisa hanggang matapos nilang panoorin ang isang TikTok video.

Ito’y kuha ng netizens sa mga campaign sorties noong nabubuhay pa si dating Pangulong Noynoy Aquino kung saan sumasama nga si Mel Sarmiento.

Makikita sa video na kapag may kausap si Kris na ibang staff ni P-Noy ay panay ang sulyap ni Mr. Sarmiento na obserbasyon ng nagbi-video ay mukhang may selos factor.

May mga nagsabing dinededma lang daw ng mommy nina Josh at Bimb ang former DILG secretary.

Gustong ipagtanggol ni Kris ang sarili kaya niya ipinost ang mga video, pero binati muna niya ang kanyang amang si dating Senador Ninoy Aquino na nagdiwang ng kaarawan nitong Sabado, Nob. 27.

Ang post ni Kris, “Happy 89th birthday in heaven to my Dad.

“The greatest compliment I’ve ever received and she said it numerous times was my mom saying: I was the female NINOY. I still remember mom saying- ‘Kristina, kung gusto mo to finally have a happy relationship, your only solution is if you can find a male Cory- so good luck to you.’ And mom would start laughing thinking it would be next to impossible.


“Little did I know that because of our unwitting matchmaker who is also now in heaven, the one my mom thought would be nearly impossible to find, found me. And finally, siguro dahil as he said,
‘binilin ni sir na alagaan ka’ naglakas na rin s’ya ng loob to express his crush & then his feelings.

“We shot this late last night and nangareer ako sa pag edit. And para lang alam nyo, since becoming a couple, it’s NEVER been just about me…yesterday afternoon, we did birthday greetings for a vice mayor from Samar, one for his high school classmate who is Baguio based, and another for a good friend of his who’s now a regional director for Bicol. Then after our video, humabol my Ate w/ her request.

“Many times you will hear ‘in God’s perfect time’ – siguro proof kami na totoo nga ‘yun. We love each other for all we are and are learning to accept & trust each other for all we’re not. Kung mag upload ako ng bloopers reel, you’d see exactly why I described our relationship the way I did.

“Sa mga nagtiyagang mag research & gumawa ng cute subtitles, and maghanap pa ng bagay na kanta, THANK YOU. PLUS binigyan n’yo ng starring role ang kuya ko- that meant the world to us.

(Sorry if video quality isn’t great, I know some parts would go greyish, because @narsgeraldfiel was only using my iPhone & si @alvingagui naman napilitan maging lighting director. ‘Wag n’yo na please pintasan, best effort na namin ‘to). Have a peaceful & kilig-filled weekend! #lovelovelove,” ani Kris.

Kris sa ‘relasyon’ nila ni Mel Sarmiento: At least ngayon, there’s someone with the guts to stand up for me

‘Da moves’ ni Mel Sarmiento epektib kay Kris: Bimb, out of the blue, he just kissed me!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending