Heart naloka nang lumafang ng 'pupu' ng pusa si Panda: 'Yuck! Girl ha, hindi nakakasosyal!' | Bandera

Heart naloka nang lumafang ng ‘pupu’ ng pusa si Panda: ‘Yuck! Girl ha, hindi nakakasosyal!’

Ervin Santiago - August 20, 2022 - 01:25 PM

Heart Evangelista at Panda Ongpauco Escudero

“BAKIT mo kinain yung tae ng pusa!?” ang nakakalokang dialogue ng Kapuso actress na si Heart Evangelista habang pinagagalitan ang kanyang alagang aspin na si Panda.

Lukang-luka ang misis ni Sen. Chiz Escudero nang malamang nilafang ni Maria Panda Ongpauco Escudero, (buong pangalan ni Panda) ang poopoo ng alaga niyang pusa na si Mina.

Nangyari ito isang araw makalipas ang pagdiriwang ng National Aspin Day, kaya naman bentang-benta sa mga netizens ang ipinost ni Heart about this sa kanyang Instagram account.

View this post on Instagram

A post shared by Panda Escudero (@pandaongpaucoescudero)


Ibinahagi ng Kapuso star at fashion icon ang video ng “madramang” eksena nila ni Panda sa IG nitong August 19 na umani ng sandamakmak na likes at comments mula sa kanyang followers.

Nilagyan niya ito ng caption, “Shyet. Nahuli ako! Kasi naman noh sa shangrila may eat all you can buffet I thought it was caviar! Noted mom Di na maulit.”

Makikita sa video ang sikat na aspin na tila nag-e-explain kay Heart tungkol sa nangyari. Pero hindi ito umubra sa aktres, “I did not expect that from you. I didn’t expect that from you.

“I thought I raised you well. Why did you eat the poop of Mina?

“Bakit mo ginawa iyon? Hahalikan pa naman kita, ha! Paano iyon?! Paano iyon, why?!” ang chik pa ni Heart kay Panda.

Kasunod nito, hinalik-halikan ng aso ang bibig ni Heart na pagalit pa ring nag-dialogur ng, “Tsk! My god, may pa ganun-ganun ka pa? Bakit mo kinain yung tae ng pusa?”

“Yuck! Girl ha, hindi nakaka-sosyal,” hirit pa niya.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa nakakaaliw na video nina Heart at Panda.

“Hahaha yan napagalitan tuloy! Baka naman daw susyal amoy nung poop!”

“Oh! No Panda minus shala points.”

“HAHAHAHAHA Pa-sossy ka pa Pandita e kinakain mo pala ang poops ni Mina.”

“Bwahahaha lagot ka Panda!”

Ahhahahahahaha! I know the feeling! i saw my dog ate my cat’s poop. it was so traumatic! ahaaha!”

“Oh Mum don’t show this to Daddy Chiz or else I’m gonna be in trouble. sorry na Mum!”

Itinuturing na ni Heart na parang tunay na anak si Panda mula nang mapunta ito sa kanya. Spoiled pa nga ang aspin dahil talagang halos lahat ng kanyang gamit ay designer items tulad ng Hermés, Yves Saint Laurent, Prada at Louis Vuitton.

Isa ang aktres sa mga celebrities na advocate ng stray animals bukod pa sa pagiging ambassador ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

https://bandera.inquirer.net/299845/bitoy-nagluluksa-sa-pagkamatay-ng-alagang-ibon-lahat-kami-sa-bahay-nag-iyakan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/321834/albie-casino-sinakyan-ang-trip-ng-netizens-ginawang-dp-ang-kamukhang-pusa
https://bandera.inquirer.net/318959/70-na-ang-alagang-asot-pusa-ni-jona-sa-bahay-gumagastos-ng-p70k-kada-buwan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending