#SanaAll: Leni Robredo tinupad ang pangako sa isang Kakampink couple | Bandera

#SanaAll: Leni Robredo tinupad ang pangako sa isang Kakampink couple

Therese Arceo |January 11,2023
facebook
share this

#SanaAll: Leni Robredo tinupad ang pangako sa isang Kakampink couple

Therese Arceo - January 11, 2023 - 04:22 PM

#SanaAll: Leni Robredo tinupad ang pangako sa isang Kakampink couple
SA kabila ng pagkakatalo sa pagkapresidente ay hindi pa rin nakakalimot si Atty. Leni Robredo sa mga binitawan niyang pangako.

Matatandaang noong panahon ng kampanya ay isang Kakampink couple mula sa Iloilo ang humiling sa kanya kung maaari ba itong maging ninang para sa kanilang kasal.

Pumayag naman ang dating bise presidente na dadalo ito at magiging parte ng kasal bilang isa sa mga ninang ng dalawa.

At nito ngang Martes, January 10 ay tinupad niya ang kanyang promise at dumalo para kasal nina GM at Pinky.

Sa kanyang social media account at ibinahagi ni Atty. Leni ang larawan niya kasama ang newlyweds.

“Fulfilled a promise today. Congratulations, GM and Pinky,” saad niya sa caption.

Marami nga ang napa-comment at napa-sana all sa naging post ng dating bise presidente.

“Sana all talaga ninang si Atty. Leni,” sey ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Presidente ko yarn.”

“Ang expensive ng ninang. atty leni pag sakaling dumating si mr. right ko sana maging ninang ka din para mahiya pa siya iwanan ako CHAROT. Hahahaha,” saad naman ng isa.

Ni-repost naman ito ng bride na si Pinky Celo at nagpaabot ng pasasalamat sa pagdalo at pakikiisa nito sa napakahalagang chapter ng kanilang buhay.

“Dear Ninang Leni, Our hearts are filled with gratitude and joy to have you, someone who we look up to, as our godparent in this very important chapter of our lives. Thank you for graciously saying “yes” despite of your busy schedule, VP. Tumutupad ka talaga sa pangako. Promises are meant to be kept and fulfilled.

“We know that you can shed the light to our marriage the same way you did to our country. Your support and love on this special day will always be remembered and cherished. We love you!” sabi ni Pinky.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Leni Gerona Robredo (@lenirobredo)

Related Chika:

Ogie, Regine nag-volunteer na bilang ninong at ninang sa kasal nina Paulo at Janine

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jake Ejercito lantaran ang suporta kay VP Leni Robredo

Melai tinawag na bobo dahil kay Leni Robredo; nakipagtalakan sa tagasuporta ni Bongbong Marcos

Bea Binene nanindigan para sa bet na kandidato, sey ng netizens: The only BBM we stan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending