Dating Darna na si Nanette Medved walang hilig sa mamahaling bag at alahas; payag pa kayang bumalik sa showbiz? | Bandera

Dating Darna na si Nanette Medved walang hilig sa mamahaling bag at alahas; payag pa kayang bumalik sa showbiz?

Ervin Santiago |January 10,2023
facebook
share this

Dating Darna na si Nanette Medved walang hilig sa mamahaling bag at alahas; payag pa kayang bumalik sa showbiz?

Ervin Santiago - January 10, 2023 - 07:36 AM

Dating Darna na si Nanette Medved walang hilig sa mamahaling bag at alahas; payag pa kayang bumalik sa showbiz?

Nanette Medved at Lolit Solis

MARAMING nagtatanong kung may balak pa bang bumalik sa mundo ng showbiz ang dating sexy actress na si Nanette Medved.

Sayang naman daw kasi ang talento ni Nanette sa pag-arte kung itatago lang niya ito at sigurado raw sila na welcome na welcome pa rin siya sa mga Pinoy na na-miss siyang mapanood sa telebisyon at pelikula.

Nang makita nga raw ng ilang netizens ang litrato ni Nanette na nakilala rin noon bilang Darna, kasama ang talent manager na si Lolit Solis ay mas lalo nilang na-miss ang aktres.

Ilang taon nang wala sa showbiz si Nanette matapos piliing mamuhay ng simple kasama ang pamilya na malayo sa makulat at maingay na buhay sa entertainment industry.

Sa Instagram page ni Manay Lolit muli siyang nagbigay ng update about Nanette matapos siyang dalawin nito kamakailan habang naka-confine siya sa ospital.

“Nasa USA ngayon si Nanette Medved Po para dalawin ang anak na duon nag aaral, Salve.

“Ipinakita ni Nanette kay Gorgy ang photo ng anak niyang lalaki na mukhang matinee idol. Alam mo bang up to now amazed na amazed pa rin ako kay Nanette Medved.

“Hindi ko talaga maisip na meron palang babae hindi mahilig sa jewelry at bags. Can you imagine na isang very small diamond stud earrings lang ang suot niya, wedding ring at ang relos na ginagamit ang cellphone.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nanette Medved-Po (@nanettemedvedpo)


“Madalas nga daw sabihin ni Chris Po sa kanya na baka akalain ng tao na hindi siya binibili nito ng mga gamit kaya ganuon.

“At akala nga daw ng mother in law niya ayaw niya ang mga regalo nitong alahas sa kanya na usually ibinibigay pag may special occasion.

“Talaga nga siguro na may mga babae na hindi hilig ang maraming alahas at mga signature bags. Kaya nga pag nakita mo si Nanette at todo alahas at bag ka, medyo mahihiya ka.

“Dahil alam mo ang level ng mga Po, at bilang member na si Nanette ng pamilya, aasahan mo na sana tadtad ito ng alahas, bitbit ang latest na signature bag, at imported from head to toe.

“A lesson in simplicity with class talaga si Nanette Medved. Amazing lady with class. Bow ako Nanette Medved. Bongga!” ang caption ni Manay Lolit sa photo nila ng aktres.

Nauna rito, ibinahagi nga ng veteran columnist ang pagbibigay importansya sa kanya ni Nanette nitong nagdaang holiday season.

“Sumingit na naman ako sa very busy sked ni Nanette Medved Po. At natuwa ako na nagkita sila ni Gorgy sa dialysis session ko. Tuwang tuwa si Nanette recalling her showbiz days escapades with Gorgy.

“Talagang very matured na ang kanyang outlook at talagang hindi ko inakala na magiging domesticated siya. Hands on ang pagpapalaki niya sa kanyang mga anak na sila Gandan at Josh na lumalaking mukhang mga matinee idols.

“Pero sure ako na dahil sa kanilang mga business, iyon ang haharapin ng mga ito paglaki. I treasure every minutes na ginugugol ni Nanette sa pagdalaw sa akin dahil alam ko na iba na ang ginagalawan niyang mundo.

“Iyon dalawin niya ako isingit sa oras niya, very grateful ako. Kung tunay kong anak si Nanette para ko na siyang trophy dahil sa layo ng narating niya. Iyon masabi lang na matagal ko siyang naging alaga proud na proud na ako.

“Pero ang talagang hindi ko malilimutan iyon oras na binibigay niya sa akin. Every time na nakikita ko siya, para bang gusto ko umiyak, dahil hindi ko akalain iyon sincere na pagmamahal niya sa akin.

“I will forever be grateful, thankful na nagkaruon ako ng isang Nanette Medved sa buhay ko. Salamat Nanette, every minute you give me is a pound of gold. Bongga!” pahayag pa ni Manay Lolit about her former talent.

Kilalang TV host hindi na pinabalik sa dating programa; nawalan din ng mga raket

Angel rumesbak sa nagsabing ninakaw ni Kris ang alahas ni Imelda: She can afford to buy her own

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Beauty Gonzalez P10-M ang halaga ng suot na mga alahas sa GMA Thanksgiving Gala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending