Estudyante na mula sa pamilya ng construction workers nakatapos ng Civil Engineering, nag-Top 10 sa 2022 Licensure Exam
PINUSUAN at umani ng mga positibong komento ang kuwento ng isang estudyante na nakapagtapos ng kursong Engineering last year.
Isang buhay na patunay si John Kirt Reyes Baguio na hindi imposible ang pag-abot sa mga pangarap kapag nagsipag, nagsumikap at nagtiyaga sa kabila ng mga dumarating na pagsubok.
Si Kirt ay mula sa pamilya ng mga construction workers at talagang pangarap ng kanyang amang karpintero na magkaroon anak na engineer.
Pero sa kasamaang palad, hindi na nasaksihan ng kanyang tatay ang kanyang pagtatapos pati na ang pagiging Top 10 sa November 2022 Civil Engineer Licensure Examination, dahil bigla nga itong pumanaw.
Ayon sa isang artikulo, ang tatay niya ay isang contractual na karpintero habang ang kanyang ina naman ay isang vendor at karamihan sa mga kaanak niya ay nagtatrabaho sa construction.
“My father’s family worked in construction as laborers. And it has always been his dream to have an engineer in our family, so I decided to take civil engineering.
“It was also a way to challenge my skills in math, a subject I’m good at,” kuwento ni Kirt na nagtapos sa Far Eastern University (FEU) Institute of Technology.
Hindi talaga naging madali kay Kirt ang makapagtapos ng college dahil simula pa lang ay sunud-sunod na pagsubok na ang kanyang hinarap. Sabay din kasi silang nag-aaral ng kapatid niyang babae.
“Every day, I had to travel from Caloocan to Manila for about two to three hours since we didn’t have money for rent.
“This fueled me to dream of a better life. That’s why I pushed myself to overcome challenges as a student,” sabi pa ni Kirt.
Kaya naman humanap siya ng raket para suportahan ang sarili. Nag-part-time tutor siya sa mga high-school students at nag-apply ng scholarship.
Nakapasa naman siya sa isang scholarship program na nagbigay din sa kanya ng chance na magtrabaho nang part-time kapag school breaks.
Hanggang sa dumating na nga ang isang pangyayari na hindi nila inaasahan, “Ang biggest challenge ko po siguro ay yung mawala si Papa. Pangarap ko ito, ngunit mas pangarap niyang magkaroon ng engineer na anak.
“On my last semester in college, kinuha na po siya ni Lord. Pero alam ko pong gingabayan niya pa rin ako, so I continued our dream and heto na po ako ngayon,” pagbabahagi ni Kirt.
Siyempre, todo ang pasasalamat niya sa lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang tagumpay, isa na nga riyan ang kanyang pinakamamahal na ama.
“Thank you, Papa! Alam kong simula nung nawala ka, kasama pa rin kita sa mga panalo ko!
“Now that I am a licensed engineer, I will practice my profession with integrity so others can see me as a role model.
“I also want to succeed in the field I will pursue and someday teach and share my expertise with young civil engineering students.”
“The testimonies from successful scholars in every scholars’ assembly gave me the motivation to continue pursuing what I want,” pahayag ni Kirt.
Mensahe naman niya para sa mga kabataang mahihirap na tulad niya na nangangarap ding maka-graduate, “I learned that whatever your status is in life, there’s always an opportunity that will come your way. You just have to realize, grab, and work for it.”
Engineer ikinumpara sa ‘horror story’ ang nangyari sa dream house ni K Brosas
Barbie Forteza ibinandera ang ipinatatayong dream house: ‘Dear self, I am so proud of you!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.